3 - You're so red, babe

Start from the beginning
                                    

“You should’ve told me Corr. Kung di pa nadulas si JJ, eh hindi ko pa malalaman—”

“Why should I? Hindi mo na kailangan malaman yung mga ganitong bagay.” I hissed, pero agad nya akong pinutol.

“Dapat alam ko!” Nagulat ako kasi biglang tumaas na yung boses niya.

Are we really gonna fight again?

Bakit ka galit?! Aba! Ikaw pa may ganang magalit diyan?! Ang kapal talaga ng mukha mo eh no?!

Dapat alam mo?” I mocked. “Bakit? Ano ba kita?!” Nagulat siya nang sinabi ko yun, hindi niya nga matago yung pagkabigla kahit na inalis niya yung tingin niya sakin.

Ano pa bang gusto mong patunayan Presbi? Why are you doing this?! Bakit ba ayaw mo kong tantanan! You left me! Niloko mo ko! And now this?! Ano pa ba kailangan mo?!

 

Nanginginig na naman ako sa galit at pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako sa inis. Bwisit talaga tong lalaking ‘to kahit kelan!

Ang hilig manira ng araw. Palagi na lang!

Tantanan mo na ako please!

“I told you I’m sorry Corr… How many times do you want me to apologize? I’m sorry… I really didn’t know. Wala akong—” Ayan. Ayan na naman siya sa pageexplain niya at pagaapologize niya na hindi matapos tapos.

“Stop.” I said, sabay tayo sa bench. “Just don’t go there Presbi. I don’t want to hear your lame apologies again.”

Paalis na sana ako nang bigla niyang hinablot yung kamay ko at hinarap ako.

“Don’t walk away from me Corr. Hindi pa ako tapos.” Bossy na pagkakasabi niya kaya lalo pa akong nangigil.

Konti na lang talaga at masasapak ko na ‘to!

“Pano mo maiintindihan kung hindi ka nakikinig sakin? Christ, Corr! I’ve been trying to reach you all the time, to explain para maintindihan mo. Pero ikaw ‘tong tulak ng tulak palayo!”

Trying to reach me? All the time?”I sarcastically said. “Hindi ko alam Presbi kung ano sa vocabulary mo ang salitang all the time. But as far as I know, you’re the one who left me. Ikaw ang nagloko at nangiwan sa ere at hindi ako!” Sigaw ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Fuck. Eto na naman! Bwisit na mga luha ‘to  hindi na naman matigil tigil.

 

Natigilan siya nang makita yung pagbagsak ng luha ko, kaya I took the opportunity to removed my arm from his hold.

What happened to us Corr?” He asked sadly pagkatalikod ko. “It wasn’t perfect but we we’re so happy…”

“It was.” I hissed.

“But you ruined it.” And left.

 A year ago…

“Hi babe.” May narinig akong malalim na boses sa likuran ko na agad kong nilingon.

“Hey…” I greeted back at natulala saglit sa laki ng bouquet na dala dala niya, na inabot niya sakin.

“Happy anniversary.” He said sabay pakita nung addicting nyang ngiti.

What happened to us? Season 1Where stories live. Discover now