s: si Senyor Salazar [ 5.1 ]

76 8 78
                                    

[ Enero 1903 ]

Kanina pa hawak hawak ni Isidro ang kamay ni Manuela kahit na pakiramdam niya ay masusunog na siya sa sobrang init niyon. Ang akala lang nila noon ay simpleng lagnat lang ang mayroon sa dalaga at ayaw naman nitong pansinin iyon kaya hindi na lang rin niya pinansin. Ngunit, nang lumaon ay mas lumala ang sakit ng asawa. Nadagdagan pa iyon ng madalas na pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan, at tuyong pag-uubo.

Kung hindi pa siya nagpumilit na tumawag sila ng doktor ay hindi pa nila malalaman na nagkasakit pala ito ng malaria. Ang malala pa ay malubha na ito. Halos masaktan na nga niya ang doktor nang sabihin nitong wala na itong magagawa para kay Manuela.

At ngayon, habang hawak-hawak niya ang sobrang init nitong mga kamay at pinapanood ang pagtaas baba ng dibdib nito ay kinakabahan siyang baka bigla na lang iyong tumigil. Na bigla lang itong lumamig at basta mamatay. Hindi niya kakayanin iyon kung sakali.

"...Isidro," mahinang sambit ng asawa at dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata.

Tinanggal naman niya ang pagkakahawak sa kamay nito at maingat na inalalayan itong maupo, nilagyan niya pa ng unan ang likod nito. "Ayos ka lang ba? Anong kailangan mo?" sunod-sunod niyang tanong sa asawa.

Nakangiting pinisil naman nito ang tungki ng ilong niya na siyang ikinasimangot niya. "Manuela. Seryoso ako."

"Nasaan ang mga bata?"

"Iniwan ko na muna sila kay Samaniego."

Tumango ito at saglit na tinitigan siya. Nagulat na lamang siya nang maramdaman niya ang mainit na kamay nitong lumapat sa kanyang pisngi. "Hindi ka pa natutulog, Isidro. Binantayan mo na naman ba ako nang magdamag?"

"Nag-aalala lamang ako para sa iyo, Manuela." At natatakot ako na bigla kang mawala sa aking tabi nang hindi ko man lang nasasabi ang mga gusto kong sabihin.

Umiling naman ito at marahang pinalo ang pwesto sa tabi nito. "Halika nga rito, Isidro."

Tinitigan niya lang si Manuela at nang makitang hindi ito nagbibiro ay saka siya umakyat sa kama at tinabihan ito. Mas lumapit naman ito at hinawakan ang kanyang kamay. Matapos nang pag-iiwan nito sa kanya noon ay hindi na niya ito hinalikan pang muli. Ang tanging bagay na ginagawa na lamang niya ay hawakan ang kamay nito o yakapin ito kung kailangan.

At minsan, hindi niya na ito tinatabihang matulog kaya ito mismo ang humihila sa kanya pabalik sa kama. Hanggang sa ito na rin ang sumukong pilitin siya. Nagbigay na siya ng distansya para hindi na naman siya magkamaling umasa muli dahil alam niyang tratraydurin siya ng puso kung sakali. Kaya sa mga naglaong mga taon ay mas naging magkaibigan lang sila sa halip na mag-asawa. Wala lang naman iyon sa kanya. Sa simula't sapul ay dapat ganoon lamang naman dapat ang kanilang relasyon.

"Isidro."

"Ano iyon, Manuela?"

"Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko sa'yong minahal rin kita?"

Napabuga naman siya ng hangin sa sinabi nito. "Huwag kang magbiro nang ganyan, Manuela."

Natawa naman ito sa sinabi niya at narandaman niyang pinisil nito ang kanyang kamay. "Paano kung iyon ay totoo?"

Gumilid naman siya at inunan ang braso sa ulo. Ginaya naman ng asawa ang ginawa niya at nagtitigan sila. Ngayon lang uli sila naging ganito kalapit at nararandaman na naman niya ang pagsikdo ng kanyang puso. Pinigilan niya ito. "Alam kong si Apolinario lang ang mamahalin mo habang buhay, Manuela. Huwag kang magsinungaling."

"Wala ka bang kahit katiting na tiwala sa sarili?" nakakunot-noong tanong nito sa kanya. Mas inayos nito ang sariling pagkakahiga at mas lumapit pa sa kanya nang kaunti. "Hindi ka ba talaga naniniwala na maaring ibigin din kita?"

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora