s: si Senyor Salazar [ 2.4 ]

81 8 70
                                    

"Saan ka pupunta, Kuya?" tanong sa kanya ni Samaniego nang pababa na sila mula sa kalesa. Kinusot niya ang inaantok pang mga mata. Tanghali sila nakarating sa Maynila at hindi pa matino ang tulog niya. Hindi niya alam kung dapat bang magpatuloy siya at baka mawalan siya ng kontol sa sarili.

"...Asaan si Manuela?" ibinalik niya ang tanong sa kapatid, wala na siyang pakialam kung ano man ang nais isipin nito.

Nakita niya naman itong umiling. "Ika'y yumuko nga."

Yumuko siya at sinuklay nito ang buhok niya. Sa tatlong taon kasing lumipas ay mas matangkad na siya rito. Kung dati ay maabot lang nito ang ulo niya, ngayon ay may tatlong talampakan na ang itinaas niya.

"Ika'y maghilamos rin, Kuya. Huwag kang magpakita kay Manuela na ika'y parang lumaklak ng isang dosenang alak," payo naman ng kapatid nang matapos ito, hindi niya pa rin itinaas ang ulo.

Sa maliit na boses ay nagtanong siya, "Hindi mo ba ako pipigilan?"

"Bakit, may gagawin ka bang masama? Hindi naman ilegal ang umibig, Kuya. Nasa sa iyo na 'yan kung susuko ka o hindi. Kung kailangan mo ng suporta ay tutulungan kita gaya ng pagtulong mo sa akin kay Socorro noon."

Itinaas na niya ang ulo at ngumiti. Nginitian rin naman siya ng kapatid at ipinasa sa kanya ang isang sisidlan ng tubig.

"Ayan, aba ang ganda mo kayang lalaki. Sige na, asikasuhin mo na ang iyong mukha at sumakay ka na lang ulit sa kalesa, ako na ang bahala sa iyong mga gamit," binalingan nito ng tingin si Mang Sandoval na nakatitig sa kanilang dalawa, bago siya nginitian. "Alam na ni Mang Sandoval kung saan ka dadalhin."

Sinunod niya ang kapatid at hindi nagtagal ay bumabagtas na naman sila sa lansangan ng Maynila. Nakarandam siya ng kakaibang kaba sa dibdib. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling nakita na niya ang dalaga. Ano nga ba ang sasabihin niya?

Ang kaalaman pa lamang na naririto silang pareho sa Maynila ay nablablanko na ang utak niya. Nakakatawa. Dapat ay matalino siya, marami siyang natutunan sa Pransya, ngunit naririto siya ngayon sa kalesa at hindi niya alam kung ano ang dapat lumabas sa kanyang bibig.

Napatingin na lamang siya sa ibang direksyon na naging dahilan para ipatigil niya ang kalesa. Dali-dali siyang bumaba at wala sa sariling pinigilan ang lalaking nakita niyang mabilis na umaalis sa eksena. Madilim na ang kanyang mukha nang basta-basta niyang pinatid ito. At dahil hindi nakatingin sa dinadaanan ay bumagsak ang lalaki sa konkreto.

Hindi niya ito hinayaang tumayo dahil hinugot niya lang ito paharap at walang pagdadalawang-isip na sinuntok. Mas masakit pa iyon dahil suot-suot niya ang singsing na ibinigay sa kanya ng Ina nang pumunta siya ng Pransya. Wala siyang makita kundi ang dugong dulot ng pananakit niya sa lalaki at kung hindi pa siya hinila palayo ng kung sino ay hindi pa siya tumigil.

Umungol ang napuruhang lalaki nang sinubukan nitong tumayo ngunit nagawa niya pang tapakan ang dibdib nito.

"Isidro, tama na!" sigaw ni Eustacio na ngayon lang niya nabosesan, ito pala ang humila sa kanya. Hinugot ulit siya ng binata pabalik. "Makakapatay ka na sa ginagawa mo, kaibigan. Kumalma ka."

Doon lang siguro siya bumalik sa huswisyo at nawala ang pagdidilim ng kanyang paningin. Kaya sa halip, humarap siya kay Eustacio at mahigpit na hinawakan ang mga braso nito. "S-Si Manuela, ayos lang ba si Manuela? May nangyari bang masama sa kanya?"

Pinuri na siya noon sa talas ng kanyang mga mata dahil kung tutuusin halos liblib na talaga ang pinangyarihan ng pagtatangka ng lalaki sa dalaga. Sinadya niyang abangan ang lalaki nang nakita niya itong tumatakas.

At kung tutuusin, ngayon lang talaga siya nakapanakit. Nadiin na ng kanyang Ama sa kanya na kung may gagamitin man siya sa itinuro nito sa pakikipaglaban ay kung kailangan niya lamang pisikal na depensahan ang sarili. Kilala rin siya bilang isa sa mga pinaka-kalmadong taong makikilala ng kahit na sino. Ngunit...

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Where stories live. Discover now