unang liham: kasagutan

164 13 137
                                    

P.S. So ayun po, another story arc na dis po tayo. Sakay po tayo ulit sa ferris wheel at kunwari nagka-amnesia sa naganap. Thanks in adbans po for reading and have a nays day :) Mag-iingat po kayo palagi :) Medyo hint, take note po ng date :D

---------------------

ikadalawampu't walo ng Marso, 1903

Magandang araw sa iyo, Binibining Manuela at sa iyo, kung sino ka mang pinalad na mahanap ang mga liham na ito. Alam kong magtataka ka kung bakit ko nagawang sagutin ang mga liham ni Manuela. Iyon ay dahil nang mamatay ang aking iniirog sa taong tatlumpo't pito dahil sa malaria ay inihabilin nito kay Socorro ang mga liham.

Alam ni Socorro na ako'y nakabalik na sa Pilipinas at minabuti niyang personal na ibigay sa akin ang mga liham na huling isinulat ni Manuela para sa akin. Sabi niya, iyon lamang ang tama na nagawa niya para sa kanyang pinsan. Hindi ako sumagot, ang alam ko lamang ay nang nabasa ko ang mga liham matapos niya akong iwan ay nabuhay ang damdaming matagal ko nang pilit kinalimutan.

Matanda na ako. Hindi ko alam na kahit sa tanda kong iyon ay magagawa ko pa ring lumuha tulad ng pagluha ko ng ako'y bata pa lamang. Na mabubuhay pa rin ang sakit na dala ng mga araw na iyon at sisikip pa rin ang aking dibdib sa tuwing naalala ko ang mga nangyari.

At dahil nararapat lamang na bigyan ko ng hustisya ang kwento ng aking mahal at ibahagi ang parte ko sa mga nangyari, sasagutin ko ang mga sulat niya.

Ikaw na makakabasa sa mga liham na ito, maaring ito'y iyong sarilihin at kung maari'y ipasa mo sa taong dapat makabasa nito. Hindi kailangang malaman ng lahat ng tao ang nangyari at hindi ibig sabihin nito'y ikinakahiya ko na minsan ako'y umibig.

Gusto ko lamang na tanging ilang tao ang nakakaalam at ang mga importanteng tao lang na iyon ang gusto kong pasalamatan at kahit na luma na ang mga salitang nakasulat rito ay ikaw pa rin ay nagbasa. At dahil iyon rin ang huling hiling ng aking mahal sa kanyang liham.

Eto na, sisimulan ko na mula sa pinakaunang sulat ni Manuela.

Naalala ko nga ang araw na una tayong nagkita. Tulad mo ay hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Iyon ang araw kung saan una kitang kinausap, iyon ang araw na naglakas loob akong magbigkas ng ilang salita sa iyong harapan.

Tama ka na lagi kitang nakikita mula sa iyong bintana. Noong una, hindi kita napapansin, sadyang may araw na itinaas ko ang aking ulo at nakita kitang nakaupo malapit doon. Nagbabasa ka at mukhang hindi ka na naririto sa mundo natin. Doon lamang ako nakakita ng isang taong kayang umalis sa pisikal na mundo kahit na ang mga paa niya'y naririto pa rin.

Gusto kong magkaroon nang ganoon kagandang pokus katulad mo kaya araw-araw sinusubukan kong gayahin ka. Hindi ako nagtagumpay ngunit minsan napapasulyap na lamang ako at tahimik, na hindi ko napapansin, kitang hinangaan.

Noong araw na iyon, hindi ko talaga gustong pumunta sa piging ni Eustacio. Araw-araw niya akong pinipilit para lamang sumama, ngunit lagi akong tumatanggi. Prayoridad ko kasi ang aking pag-aaral at masasayang lamang ang oras ko sa pagpunta gayong kung mananatili ako sa tinutuluyan ay mas marami akong matatapos.

Hindi ko alam kung bakit sa halip na mag-aral na lang sa gabing iyon, ang ginawa ko ay humiram ng damit kay Ginoong Petran at pumunta sa piging. Hindi ko inaasahang makita ka roon, Manuela.

HINDI alam ni Apolinario kung bakit niya ba napag-isipang pumunta sa piging ng kaibigan. Nabati na niya ang tuwang tuwang si Eustacio na nakakita sa kanya pagpasok niya. Sa sobrang tuwa ng kaibigan ay pinalo pa nito ang kanyang braso at itinulak siya sa mga babaeng naroroon. Nahihiyang umatras siya ngunit mukhang nabighani naman sa kanya ang mga binibini dahil nagsimula ang mga itong kausapin siya.

Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Where stories live. Discover now