epilogo: apoline [ 1 / 2 ]

81 9 85
                                    

APOLINE

KANINA pa umiiyak si Apoline. Hindi naman siya iyakin. Mas iyakin pa sa kanya ang dati, kahit na pitong araw lang naman ang nakalipas, na boyfriend. Nang nakipaghiwalay siya rito ay doon lang siya umiyak. Hindi niya naman gustong hiwalayan ang nobyo. Kung siya lang ang papipiliin, mananatili lang siya sa tabi nito.

It was them against circumstance and them against his parents. Wala naman silang nasasagasaan sa kanilang relasyon. He brought out the positive in her and she brought out the confidence in him. He's the one that balances everything and makes everything seem right in her world.

Manuel is her home. Sino ba namang normal ang magsasabing okay lang na iwanan ang sariling tahanan nang nakapaa at kunwari hindi nasaktan? Sinong ewan ang iiwan ang nag-iisang lalaki na minahal niya nang lubos?

Hindi naman siya. She would have fought tooth and nail to keep him, to be with him. Pero, ikaw ba namang pagbintangan na parang kasalanan mo kung bakit "nasira" kuno ang buhay ng lalaki? Or mapagsabihan pa na mukha lang raw siyang pera at basta-basta pang tinapunan ng madaming maduming papel na ni minsan wala naman talagang importansya sa kanya?

Who wouldn't buckle on that? Mas malala pa nang binalaan pa siyang sisirain raw ang buhay niya kung dumikit pa siya sa binata. She loved him. Oh God knows, how much she loved him. Pero kung ang pamilya niya na ang kapalit para lang manatili siya sa tabi ni Manuel, then she would really have to leave.

As if leaving in itself makes her feel strong and alive. Para lang siyang namatay at hindi niya alam kung paano siya mabubuhay ulit. And with dead eyes, nang pauwi na siya sa kanila, she had blocked him. Hindi lang sa phone niya kundi pati na sa social media. She deleted all his messages on her phone and even their call logs.

Hindi naman noon mabubura ang lahat-lahat but it made the pain hurt less.

Or so she thought, dahil mag-iisang linggo na at araw-araw na atang mugto ang mga mata niya. Mukha na raw siyang Intsik, sabi ng Mama niya.

At ngayon, nadagdagan pa ang rason kung bakit siya umiiyak. It was in the form of letters written by two separated lovers hundred years ago. Letters that seem to mirror her situation right now.

Matapos kasi niyang malunod sa luha at sipon habang kwinekwento ang nangyari sa kanila ng nobyo sa kanyang Mama ay parang may nag-click sa utak nito. Iniwan siya nito at akala niya trinaydor siya ng sariling Mama dahil hindi na nito gustong saluhan ang pagdradrama niya. Gayong, dito naman niya laging kwinekwento ang lahat ng mga naganap. It was even her Mother who was excited to meet him.

Nang ipinakilala niya nga si Manuel dito ay maghapon itong hindi umalis sa tabi ng kanyang nobyo at inusisa ito. She even had to save Manuel from all her Mother's prying questions because he definitely looked like he needed to be pulled out from the conversation.

Alam niyang pangit siya kung umiiyak siya pero hindi niya naman inaasahang susukuan talaga siya ng Mama niya. Sa dinami-dami pa naman nang susuko sa kanya, ang Mama niya pa talaga. Mas lalakas pa sana ang pagngawa niya nang bumalik ang Mama niya na may hawak-hawak na madaming tissue at isang maliit na kahon. Maagap naman siyang niyakap ng kanyang Mama at ibinigay sa kanya ang naturang kahon.

Sabi nito, family secret daw nila iyon at mukhang siya ang nararapat na magmana. Hindi naman niya alam kung bakit iyon ang naisip ng Mama niya sa dinadami-dami ng ikwinento niya rito. Like how can a breakup story equate to a family secret? Go figure.

Pero dahil mukhang seryoso naman ito ay kinuha na lang niya. Baka magtampo pa ang Mama niya at totoohanin ang pag-iwan sa kanya. Hindi niya kakayanin iyon kung sakali.

Sa mga susunod na araw ay nagbasa lang siya. Halos hindi na nga siya lumabas ng kwarto at ang Mama na lang niya ang nagdadala ng pagkain at pinaalalahanan siyang kumain. Ilang beses na siyang napahagulgol sa mga nabasa at minsan hindi niya alam kung iiyak ba siya o matatawa.

At ngayon nga na asa huli na siya, inilayo niya muna ang huling liham ng great grand tito niya para lang hindi iyon mabasa at matuluan ng sipon at luha. May mga parte na doon na mahirap basahin, lalo na sa mga sulat ni Manuela. Habang ang kay Pole naman ay pinagtiyagaang hindi matuluan ng kahit anong luha. But despite that, every word felt painful. It literally just stings.

Doon lang niya mas naintindihan kung bakit na-equate ng Mama niya ang family secret sa nagiging paghihiwalay nila ni Manuel. It was a heartbreaking story of hundred years ago but it mirrored what she's going through right now. What they're going through right now. Hindi man ganoon kaparehas ang timeline.

Parang isinulat nga talaga iyon para sa kanya. Sa kanila. Ang sabi nga nila, in order to not repeat history, you should learn the past. The past is in her hands and it had long ago breathed its last. Siya na ang nasa future. May magagawa pa siya.

So, with trembling hands, inabot niya ang phone niya. In-unblock niya ang dating nobyo at tinawagan niya ito. Matagal rin bago ito sumagot at kinakabahang binati niya ito.

"Manuel? Andyan ka ba? A-Are you driving?" Sunod sunod niyang wika. She felt both relief and nervousness sa pagbanggit pa lang ng pangalan nito at dahil sa naririnig niya ang paghinga ng binata. And how her heart dances at the fact that he's just on the other side. Just how much as it danced when they first talked over the phone.

[ - ]

WALA nang mailabas na luha si Apoline nang makita niya ulit si Manuel. Halos hindi na niya maalala kung bakit ba siya makipag-break rito. Ang alam lang niya ay masaya na siyang makita ito. And she never thought she could be so happy after being miserable for a week. Damn, she really missed him.

Halos patakbo na ang ginawa niya para lang mayakap agad ang binata. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at hinila ito pababa. Marahan at kinakabahan naman itong natawa bago masuyong ibinalik rin ang yakap niya. Kung makakaiyak pa siya ay iiyak pa siya pero hindi na niya magawa. Ibinaon na lang niya ang mukha sa balikat nito at huminga nang malalim.

He smelled like the home that she abandoned days ago. And he felt like the warm welcome of sunlight streaming out of open windows.

Yakap lang nito ay parang unti-unting naghihilom ang sugat na siya mismo ang gumawa. Sigurado siya na ito rin ang mararamdaman ni Pole kung sakaling binalikan niya rin si Manuela nang gabing umalis ito. Heck, if she was there, she would have carried him back to his beloved. Pumikit siya. Ito na Lolo Pole. Niyakap ko na siya. Hindi ko na siya pakakawalan.

"Emmanuel," she whispers to his ear. Pati pagbulong sa tainga ng binata ay na-miss niya. They always talk in low volumes kung silang dalawa lang. It was something special, a habit. "Marami tayong pag-uusapan."

Saglit niyang inilayo ang sarili kay Manuel at inilagay niya ang mga kamay sa pisngi nito. Mukha naman itong alanganin ngunit pinilit nitong ngumiti. Ginawaran niya rin ito ng isang masuyong halik sa noo at ngumiti. Why are you so afraid, Manuel? "Relax. It's a discussion I owe you for so long."

"...Bago 'yan..." Huminga ito nang malalim at nararandaman niya ang pagnginig ng kamay nito nang hawakan nito ang mga kamay niya. He continued nervously, "Does that mean na tayo ulit? Or hiwalay pa rin tayo? Because Apoline if you called me here just to break my heart, I'm--"

Bago pa matapos ang binata sa paglilitanya ay siniil niya ito ng halik. She missed kissing these soft lips that always made her feel better. Narandaman niya ang paggalaw ng kamay nito para sana mas palapitin siya at pati na ang paggalaw ng mga labi ng binata, ngunit agad siyang humiwalay bago pa siya nito mas makabig. "Is that enough proof for you?"

 "Is that enough proof for you?"

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt