CHAPTER 11(PART II)

Comenzar desde el principio
                                    

Iginiya naman sila sa titirhan nila.
Yun ay ang bahay rin na tinitirahan nina Axell at Sage. Naabutan nila si Axell na kinakausap ni Chantal.

"Axell..anak!" Agad na yinakap ni Selina ang anak, yinakap naman din siya nito pabalik.

"Mom,when did you arrive?... Lola...Harmony,Timbre and--nasaan si Rhythm?" Ngumiti pa ito sa Lola niya pero nagulat siya ng makitang nawawala ang isa sa mga kambal.

"Kuya! Kuya! Kinuha po nila si Rhythm" sumbong ni Harmony saka nagsimulang umiyak,tinitigan naman ni Timbre ang kapatid saka ikinuyom ang mumunti niyang kamao.

"Tahan na,baby" kinarga naman ni Chantal si Harmony at pilit na pinakalma ang pitong taong gulang na bata.

"Sinalakay rin nila ang Pentagon Village,ang believe it or not, kami lang ata ang nakatakas,buti sana kung hindi lang kami" napaupo sa upuan si Selina, napahilot naman si Axell sa sentido niya dahil sa nalaman.

Nagkatinginan din sila ni Chantal, nginitian naman siya ng dalaga, napangiti na lang din ng bahagya ang binata sa kaniya.

"I'm glad that you guys are okay..."
Saad ni Axell,tumango naman sa kaniya ang kaniyang ina.

"Apo,nasaan na pala si Saly?" Tanong ng Lola niya, napatungo naman si Axell saka itinuro ang pintuan ng isang silid.

"Mommy Sage? Nasa loob siya?"
Kunot noong tanong ni Timbre.

"Bakit siya nasa loob? May nangyare ba? Kumusta ang apo ko?" Nag-aalalang tanong ng matanda.

"Mom, I told her everything. Pero hindi niya kinaya at nagnervous breakdown siya, dumagdag pa ang lalaking mahal niya....he turned out to be an enemy" natutop na lang ng Lola niya ang kaniyang bibig. Samantala, tahimik naman lang si Selina.

Lumaki si Axell sa Lola niya, simula nung 7 years old siya hanggang mag-9. Ng dumating siya sa kanila ay nakita rin niya ang kapatid niya.

"Mom, you're all she needs now.
Naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganyan, her control over her emotion busted out, nadedepress na siya at ayaw na niyang makipag-usap sakin..she's shutting every one up....maski ang mga kaibigan niya'y ayaw niyang makausap o makita man lang..." Napatingin lang sa ibang direksiyon si Selina, naiinis na siya dahil lagi na lang siyang pinagtutulakan papunta sa dalagang iyon.

"Bakit hindi ang Lola mo ang pakausapin mo diyan? Diba paborito naman siya nito? Tsaka, magpapahangin lang ako" agad na lumabas ng bahay si Selina, at pinanood na lang ng binata ang kaniyang ina na umalis.

Class of Elites: Dawn Of DarknessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora