CHAPTER 3(PART II)

Start from the beginning
                                    

"Jezra.....Students mag-iingat kayo, isa siyang Jezra at ang laway niya'y asido,maliksi siyang gumalaw at bayolente....bukod dito....mahirap siyang talunin kung maaari huwag kayong magpapasugat sa mga kuko niya o di kaya'y mamamatay kayo" napailing ako sa habilin ni Ma'am Raye. Naglalaban sila ni Xchindy gamit ang mga katana at espada nila.
Mabibilis silang gumalaw para sa iba pero para sakin....nabagal pa rin sila pareho.

"Emory" Agad akong hinila ni Azaela saka niya isinakay sa likod niya matapos niyang magbagong anyo at naging isang dambohalang aso.

"Anong plano mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin at narinig ko na lang ang boses niya sa isipan ko.

"Sina Gurong Tenor at ang iba pa ay nasa bungad ng barrier sabi nila we have to lead them there tapos sila na naroon na ang bahala sa susunod nilang gagawin. Nakawala na rin si Ash at nakatakas si Vex, kaya naman humanda ka...."

Napatango na lang ako sa kaniya.
Mabilis siyang tumakbo, isinasayaw ng hangin ang mahaba kong buhok na nakatirintas. Sa kanan ko ay nakita kong kinakalaban ni Jake sa wolf form niya ang Jezra ganun din sina Catherine at Jerome. Napailing na lang ako...

"Hindi ba dapat ikaw ang lumalaban sa kaniya?" Tanong ko.
Tumawa naman siya ng mahina saka muling sumagot.


"Kailangan nating sumunod sa plano, besides ito naman ang nililiang sa atin ngayon. And look behind you, nakasunod na sila"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko roon sina Vex at Ash na nakasunod samin...at nanlaki ang mga mata ko ng ngumisi si Ash, napatingin ako kay Azaela na ngayon ay nakangiwi na...ang kaniyang nga paa'y nagdudugo. Anong!

"Hindi ko hahayaang makaalis kayo. Isa lang ang misyon namin... ang patayin ang mga hadlang sa plano namin... patawad, pero kayo ang tinutukoy ko" paglingon ko sa aking harapan ay isang lagusan ang lumabas. Unti-unti na ring humihina si Azaela....hindi...hindi 'to maaari.

"Ash...." Tumango lang si Ash sa kaniya at agad din itong umalis. Tila humina ang takbo ng oras at unti-unti kong nakita na dumating si Dwayne at saka ako hinila palayo kay Azaela.

Sumalampak kami sa lupa, pero sinubukan kong tumayo....kaso nahuli na naman ako....naipasok na nila si Azaela sa lagusang ginawa ni Vex! Bwesit! May isa na namang nawala?!
Anong kabaliwan ba 'to!!

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Dwayne. Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit na ako ang inuna mo? Mas kailangan natin siya sa plano kesa sakin....tsk!" Tumalikod ako at saka ko inilabas ang aking espada. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayare, galit na galit na ko at pakiramdam ko sasabog na ko.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now