"Anak, isa lang siya sa maraming Algorian na nawalan ng minamahal sa buhay. Kaya ikaw, kailangan mong magpakatatag... naiintindihan mo 'ko?" Tumango ako sa kaniya. Sa huling pagkakataon na nilingon ko siya nagtagpo ang mga mata namin.

Lumuha lang siya saka binalot ng apoy ang katawan niya. Nilapitan siya ng ibang tao at doon ko na inalis ang tingin ko sa kaniya.

A year after...nabalitaan ko na lang na sinugod ang Ardor. At halos lahat ng mga kauri nila ay napaslang. Sumama ako kay Ama ng pumunta siya doon, nagbakasakaling makikita ko siya doon. At oo nga,nagkita kami.

"Ayos ka lang ba? Dalawang taon na ang nakararaan at nakita kitang umiyak, tapos ngayon nakikita kitang umiiyak na naman?" Umupo ako sa tabi niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Siyam na taong gulang ako nun,at mga pito naman siya.

"Nawala na sina Mama at Papa.... pati sina Tita at Tito...wala na rin. Wala na silang lahat...pano na kaya ako?" Malungkot niyang saad saka yinakap ang mga tuhod niya. Nandito lang siya sa gilid ng tahanan nilang...giba-giba na.

"Gusto mo samin ka muna?" Tanong ko sa kaniya. Nagningning ang mga mata niya, at tatango na sana siya ng may biglang lalakeng sumabat sa usapan namin.

"Hindi siya sasama sa'yo dahil nandito pa ako. Ang tiyo Ego niya." napatingin ako sa kaniya. Maski siya ay nagtataka. Nagkataon lang siguro na hindi niya kilala ang tiyo niya?

"T-Tiyo?" Tanong nito. Ngumiti ang lalaki sa kaniya saka nito hinimas ang ulo ng kausap ko.

"Bata, aalis na kami. Maraming salamat dahil kinausap mo ang pamangkin ko,nalaman ko na sinugod ng mga kalaban ang nayon nila kaya agad akong napasugod dito. Nangako ako sa kaniyang ama na aalagaan ko siya pagnagkataong hindi siya palarin sa labanan. Kaya naman...Xchindy nandito ako para alagaan ka" dun ko unang narinig ang pangalan niya. Xchindy(Cindy), oo, Xchindy nga ang pangalan niya.

Umalis siya kasama ang tiyo niya.
Hindi ko naitanong ang pangalan niya pero nalaman ko iyon mula sa tiyo niya. Lumipas ang ilang taon at hindi na kami nagkita.....pero sadyang gumawa ng paraan ang tadhana para magkita muli kami...pero ibang-iba na siya.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now