"Eliszia,Emprez, it's been a while. Kumusta ang bakasyon niyo?" Tanong nito. Napangiti naman kami sa kaniya.

"Ayos lang. How about yours?" Tanong ko.

Inayos niya ang mga librong hawak niya at ngumiti samin. Showing her cute dimples. Buti pa siya may dimples, ako wala eh.....

"Okay lang din. I get to spend my times with my family." sagot niya.

"San ka pupunta? Pwede sumabay na lang kami?" Tanong ni Emprez. Tumango naman ng maligalig si Reign.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sina Maxwell na kasama sina Gael at Jake. Kumaway sina Gael at Jake samin, pero dedma lang si Maxwell. Napatingin tuloy kami kay Reign. Sumimangot lang siya.

Hindi ko nga maintindihan eh.
Bakit ba pinagsisiksikan niya ang sarili niya dun sa lalaking yun?
Yeah he's handsome, matalino, malakas at magaling pero ang sama ng ugali. Mapagmataas, too straight forward to the point na nakakasakit na siya, mapangmaliit at kung anu-ano pa.

Because love is blind...look at Reign now. Poor girl, got victimized by Cupid's arrow of love......

"Hindi ka pinansin." Saad ni Emprez. Napangiti na lang ulit si Reign.

"Okay lang tsaka I decided na rin na maging secret admirer niya na lang. You know, yung tipo na I'll be watching him....the boy I admire from afar. Uso na naman yun ngayon eh. Iisipin ko na lang naman nakikisabay lang ako sa trend." litana nito,hanggang sa hindi na lang namin napansin na nakaabot na pala kami ng library. Ibinalik niya ang mga libro na hawak niya kanina pa.

"Hayst,reality na ata 'yan" sambit ni Emprez sabay tingin kay Reign at sakin.

"Bakit?" Tanong ko. Umiling naman siya saka ako nginitian.

"Gusto mo si Ash 'no?" Nagulat ako sa tanong niya. Ang babaeng 'to!!!

Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Naku po, namumula ba 'ko?
Kaasar naman! Hindi ko naman gusto na gusto si Ash ah.....tsaka kaibigan ko lang naman siya. Ang OA naman ng response ng katawan ko.


"Hindi ko gusto si Ash I mean not romantically okay? Gee" sagot ko sa kaniya. Naman!

"Luh ba't ka namumula?? Patay tayo diyan. Pa'no na si Lloyd?" Gatong naman ni Reign.

Hayst heto na naman sila.
Hayaan na nga~

















RIVER'S POV

Kasama ko ngayon sina Summer, Snow at Sam. Hindi ko alam pero masaya kasing kasama si Summer.
At napag-usapan namin kung pano nga ba napapasaya ng mga lalake ang mga babae. Sabi naman niya simple lang daw, maging totoo ka lang daw sa sarili. Pero iba-iba daw kasi ang gusto ng mga babae depende sa mga karakter nila. Kaya naman naguluhan ako.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now