Kabanata 27: Paumanhin

Start from the beginning
                                    


Iniwas ko ang mga mata ko, "Hindi.. si Chaun pa rin ang nababagay sa Prinsesa."

Isa 'yong kasinungalingan kaya nga ayokong makita niya ang mga mata ko dahil hindi ako magaling magsinungaling.

Masasabi kong hindi perpekto si Scion pero mas totoo siya kaysa kay Chaun. Mahal niya si Weiming kaysa sa sarili niyang buhay at lahat gagawin niya para rito. Bagay na siya lang ang makakapagbigay sa prinsesa.. hindi kahit si Chaun.

Natahimik ulit siya pero ngayon ay narinig ko na ang paghikbi niya. Hindi ko man siya makita ngayon ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Dumampi sa balat ko ang hangin na dulot nang pag shunyi niya.

Nasaktan niya ako at ngayon ay sinaktan ko rin siya. Quits na ba kami? O mas sobra ang nagawa ko?

Sumandal lang ako sa pintuan habang hinahayaan ang mga luha sa mata ko na dumaloy sa pisngi ko.

Kung kanina ay nasasaktan ako dahil sa ginawa ni Scion, ngayon naman ay nasasaktan ako dahil sa nagawa ko sa kanya. Mas masakit na makita mo ang taong mahal mo na nasasaktan nang dahil sa'yo.

Patawarin mo ako, Scion.

***

Sa huling pagkakaalala ko ay nakasandal ako sa pintuan kagabi. Nagising ba ako sa pagkakatulog ko kaya nandito na ako ngayon sa kama ko?

"Good morning world.." mahina kong bulong. "Magiging mabait ka ba sa'kin ngayon o papaiyakin mo na naman ako?"

Bumangon ako at nag-ayos. Mataas na ang sikat ng araw kaya oras na para maghanap muli ng paraan para makapunta sa Baguio.

Pagkababa ko ay nagulat ako sa dami ng pagkain sa mesa.

"Good morning, Serenity!" Bati ni auntie. "Kain na, ang dami kong nilutong pagkain."

So, ibig sabihin ba nito, world, magiging mabait ka nga sa akin ngayong araw na 'to?

"Ang dami naman nito auntie pero salamat kasi gutom na ako," inikot ko ang ulo ko para hanapin si Scion pero wala siya kahit saang sulok ng bahay.

Nasaan na naman siya? H'wag mong sabihin na hinhanap niya kung nasaan si Jasmine?

Hindi ko na lang muna siya inisip dahil kanina pa nagwawala ang tiyan ko. Kung hindi pa ako kakain ay mawawalan na ako ng malay.

"Hindi ba mauubos ang budget mo ngayong linggo dahil sa dami nito?"

Baka mamaya kasi ay hingan niya ako ng pera. Naka-leave pa naman ako sa trabaho kaya for sure kapiranggot lang ang sasahurin ko nito.

"Hindi mo ba alam? Pera ni Scion ang pinangbili ng mga pagkain na 'yan,"

Halos maibuga ko sa kanya ang hotdog na kinakain ko. Buti na lang ay naharangan ng kanang kamay ko nag bibig ko.

"Kay Scion galing ang pera? Magkano?"

"Fifteen thousand pesos lang naman! Ang galante niya, hind ba? Jackpot na jackpot ka d'yan sa boyfriend mo. Finally ha, nagkaroon ka rin ng swerte sa buhay."

Saan naman niya nakuha 'yon? Ginamit kaya niya ang kapangyarihan niya sa masama para lang magkaroon ng malaking halaga ng pera?

"Nasaan siya?"

Pinanliitan niya ako ng mata kaso dahil talagang bilugan iyon, parang normal lang ang pagtingin niya sa akin, "Nag-away ba kayo? Parang kagabi pa kayo hindi nag-uusap. Serenity, sinasabi ko sa'yo, h'wag mo ng pakawalan ang lalaki na 'yan."

"Kailangan ko siyang makausap, nasaan siya auntie?"

"Lumabas siya, pupunta daw siya sa mall."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kahit hindi ko pa nauubos ang dalawang bacon at isang hotdog ko ay umalis na ako. Minsan lang ako makakain ng masarap pero mas importante na mahanap ko ang lalaki na 'yon.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now