"A-anong nangyari!?" nagaalalang tanong ni Shan na wala paring alam sa mga nangyayari. Base sa itsura ng mga ito'y batid niya na may hindi magandang nangyari.

"Nabaril si............na-nabaril si Angela." sagot ni Brent.

Otomotikong bumigay si Shan sa kanyang nalaman. Napatakip siya sa kanyang bibig, yinakap naman siya ni Blaze.

"H-hindi!!! Ang beshie ko." sabi niya at nasundan ito ng mga luha.

Yumuko si Wayne at umiling. "Nagawa naming ilihis si Tito Emmanuel pero hindi parin namin siya nagawang pigilan." sabi nito na punong-puno ng pagsisisi. Ganun din sila Blood at Blaze.

"'Wag niyo sisihin ang mga sarili niyo. Ginawa natin ang lahat para protektahan si Angela. Walang may gusto sa nangyari." sabi ni Alice sa mga ito. "Ang maganda lang na nangyari ngayon ay wala nang taong magpapahirap sa mga buhay natin, tapos na ang kasamaan ni Emmanuel at siguradong pinagbabayaran niya na ngayon ang lahat ng kasamaang nagawa niya sa ating lahat sa impiyerno."

Linapitan ni Isabel si Bryle. Higit sa kahit sinuman sila ang sobrang naaapektuhan sa mga nangyayari.

"Lumalaban si Angela kaya lumaban ka rin. Tatagan mo ang sarili mo para sakanya at sa magiging anak niyo." Aling Isabel.

"Patawarin niyo po ako sa lahat ng mga nagawa ko sa anak niyo. Sobra kong pinagsisisihan ang lahat. Sinaktan ko siya kaya gusto kong bumawi sakanya pero paano ko gagawin 'yon kung kukunin na siya sa'kin. Patawarin niyo ko kung hindi ko siya ipinaglaban, kung hindi ko siya nagawang protektahan kay dad. Sorry, patawarin mo 'ko." paghingi niya ng tawad kay Isabel.

"Wag mo sisihin ang sarili mo, Bryle. Nakikita ko sayo na nagsisisi ka na sa mga nagawa mo. Matagal narin kitang napatawad dahil alam kong mahal na mahal mo ang anak ko." yinakap ni Isabel si Bryle. Para niya narin itong anak.

"I can't afford to loose her again. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin. Mas mabuting mamatay nalang din ako kung mawawala siya." Bryle.

"'Wag mo sabihin 'yan, Bryle. Mayroon ka pang anak. Kung saka-sakaling mawala man si Angela, sakanya mo ibaling ang pagmamahal mo." Isabel.

"Hindi ko na alam, inay. Hindi....hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Sobrang na 'tong mga nangyayari sa'min. Hindi ko na kaya. Hindi na ako makahinga. Punong-puno na ako. Batong-bato na 'ko." mas hinigpitan ni Isabel ang pagkakayakap nito kay Bryle.

Ilang saglit pa'y lumabas na ang doktor mula sa E.R. Sabay-sabay silang tumingin dito.

"Doc!" Isabel.

"Doc. Kamusta po ang beshie ko." Shan.

"Ano po ang kalagayan ng mag-ina." tanong naman ni Xavier.

Isa-isa silang tinignan ng doctor bago ito nagsalita.

"May seryosong sakit ang pasyente. Nakitaan namin siya ng Ische---"

"Ischemic heart disease!" pagpapatuloy ni Brent.

Tumango ang doktor at sumang-ayon sa sinabi ni Brent.

Nagtaas ng tingin si Bryle at nalilitong tumingin sa kanilang lahat. Hindi nito maintindihan kung ano ang sinasabi ng doktor.

"Binigyan na siya ng taning ng doctor mula nang tumanggi siya sa heart transplant na inaalok sakanya." Brent.

"At ngayon na ang araw na 'yon." maluha-luhang sabi ni Xavier.

Mas lalong nadagdagan ang emosyon sa pagitan nilang lahat.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now