CH.23 Caji

4.4K 75 0
                                    

~•Men have to do some awfully mean things to keep their respectability.•~

-George Bernard Shaw




*WAYNE'S POV*



Nakatitig ako ng mabuti sa picture na nakuhanan ko nang sundan ko si Bryle at malamang na hanggang ngayon ay nakikipag-transaksyon parin ito kay Caji, supplier ng droga na kilalang konektado sa mga malalaking sindikato sa iba't ibang bansa kabilang na ang Moscrop Drug Syndicate.

Hanggang ngayon ay napapaisip parin ako sa mga nagiging kilos ni Bryle nitong mga nakaraang araw. Ang hirap niya basahin.

"You really puzzling my mind, Bryle."

*Flashback*

"Boss, long time no see. Tagal natin hindi nagkita, ah." bati ni Caji kay Bryle.

"Dala mo ba!?" agad na tanong sakanya ni Bryle, mukhang wala siyang balak makipag-biruan dito at iisa lamang ang sadya niya doon.

"Wait lang naman boss, masyado kang hot. Alam mo naman na ang tagal din natin hindi nagkita e." pabirong tugon nito.

Inis na nilamukos ni Bryle ang kanyang mukha, nagpameywang ito at nagsindi ng sigarilyo. Nagsindi rin si Caji ng sigarilyo at tumabi kay Bryle.

"Nakabalik na pala ang asawa mo?" otomatikong nagsalubong ang dalawang kilay niya sa lumabas sa bibig ni Caji.

Paano nito nalaman ang tungkol sa asawa niya?

"Totoo nga ang mga balita, sobrang ganda pala talaga ng asawa mo." mabilis na kinuwelyuhan ni Bryle si Caji, biglang tumaas ang dugo niya sa sinabi nito na parang hindi maganda ang dating sa kanya.

"'Wag mo siya papakialaman!!! SA'KIN SIYA!!!!" madiin na sabi nito habang mahigpit na nakahawak sa damit ni Caji.

Tinaas naman ni Caji ang dalawa niyang kamay at nagbigay ng pilyong ngiti. "Easy lang, hindi ko gagalawin ang chicks mo, marami ako niyan."

Nang humupa ang galit ni Bryle pagkaraa'y binitawan niya narin ito.

"Pero pera biro, gandang ganda ako sa asawa mo." sabi nito.

"Paano at saan mo siya nakita?" tanong sakanya ni Bryle, wala pa siyang pinagsasabihan sa kahitsino na nakabalik na si Angela.

"Sa Casino." sagot ni Caji.

Bigla niyang naalala ang gabi na 'yon, gabi kung saan niya muling nakita si Angela matapos ang dalawang taon. Nakahiga ito sa gitna ng stage at napapaligiran ng dalawang lalaki. Gusto niya humalakhak sa tawa ng gabing iyon dahil kitang-kita niya kung paano nagdudusa si Angela, para sakanya'y ganti niya narin iyon sa pang-iiwan nito sakanya, deserve niya kung nasaan siya ngayon....pero may bahagi sakanya na naiinis siya, hindi buo ang saya na nararamdaman niya habang nakikita niya itong nahihirapan.

Siya dapat ang nagpaparusa dito. Sakanya ito nagkasala, at siya lang dapat ang magparusa dito, sakanya dapat nagbabayad ang kaisa-isang tao na nanakit sakanya....kaya noong gabing iyon ay binili niya ito.

Para siyang bumili ng isang bagay na paglalaruan niya.

"Nakita ko ang lahat, maging ang pagbili mo sakanya." dadag pa nito.

"Dala mo ba ang sinabi ko sayo!?" pag-iiba niya. Kung maaari'y gusto niyang iwasan mapag-usapan ang tungkol kay Angela.

"Oo, naman! Ako pa ba!? Kailan ba ako hindi tumupad sa usapan?" kinuha nito mula sa kotse niya ang isang bag na naglalaman ng illegal na droga. Binigay niya ito kay Bryle. "Isang bag, gaya ng napag-usapan. Fresh from Cairo."

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now