CH.36 Why?

4.5K 78 8
                                    

~•To truly laugh, you must able to take your pain, and play with it.•~

-Charlie Chaplin




*TRIXIE'S POV*


Deretso ang tingin ni Bryle sa kahabaan ng daan na binabagtas namin. Mahigpit ang hawak nito sa manibela na kulang nalang ay tanggalin niya ito mula sa pagkakakabit. Wala parin siyang kibo mula nang umalis kami sa bahay,  wala rin naman akong ibang magawa kundi ang titigan nalang siya dahil takot ako na baka ako naman ang mapagbuntunan niya ng galit.

Inaamin ko nagulat ako sa nakita ko kanina. Matagal ko nang kilala si Bryle at hindi ko inakala na magagawa niya ang bagay na 'yon. Dapat humalakhak ako sa tuwa seeing that bitch*ss suffers in the bare hands of Bryle but It was the opposite of what I supposed to feel, takot ang naramdaman ko habang nakikita kong sinasaktan niya si Angela. I can't deny my enmity about Angela but I'm still a woman, if ever na ako ang nasa posisyon niya hindi ko alam kung kakayanin ko.

But at some point hindi ko rin masisisi si Bryle, saksi ako sa mga paghihirap niya simula nang iwan siya ni Angela. Hindi ko siya iniwan noong mga panahon na kailangan niya ng kasama, nandun ako noong mga panahon na kung saan-saan nalang siya natutulog dala ng kalasingan, nandun ako noong mga panahon na sirang-sira na siya, ako ang kasama niya noong mga panahon na si Angela pa ang hinahanap-hanap niya but hurting Angela that worst is another story, it's not just about vengeance but a extreme level of hostility na hindi niya dapat nararanasan bilang babae.

Muli akong tumingin sakanya, kanina ko pa gustong makipag-usap sakanya but I couldn't found a perfect time to open up with him, natatakot ako na baka hindi ba humuhupa ang apoy sa loob niya.

"May gusto ka sabihin 'di ba? Spill it!" bigla akong kinabahan nang bigla siyang nagsalita.

"Uhm, about.....Angela!" naiilang pa ako habang binabanggit ko ang pangalan ni Angela.

Hindi siya nag-react nang banggitin ko ang pangalan nito. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya ngayon, natatakot ako. Para siyang isang bomba na pwedeng sumabog kapag mali ang naputol mong wire pero wala naman mangyayari kung sasarilihin ko lang ang mga katanungan sa isip ko, baka ako naman ang sumabog.

"Bakit hinayaan mo ulit siyang pumasok sa buhay mo? Iniwan ka na niya, bakit hinayaan mo ulit siyang bumalik?" bigla nitong inihinto ang sasakyan dahil sa sinabi ko.

"Nakita mo ang ginawa ko sakanya kanina 'di ba!? Hindi ba yun naman ang gusto mo?" binuksan nito ang side window ng kotse at nagsindi ng sigarilyo. Walang emosyon ang mga binitiwan niyang salita, deretso lang ang tingin niya. "Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin no'n?" sabi niya sabay buga ng usok.

"But not in that way. You can throw her hurtful words or simply rebuking her....h-hindi mo siya kailangan saktan ng ganun, babae parin siya." I should hate myself right now, sa huli ako pa ang nagtatanggol sa babaeng 'yon.

"Malala na 'yon para sayo? E pa'no pa 'ko? Paano yung mga pinagdaanan ko noong mga panahon na ako ang sinasaktan niya dahil sa pag-iwan niya sa'kin? Akala ko naiintindihan mo 'ko." iba na ang tono ng pananalita niya, nagsisimula naman siyang mag-transform bilang isang nakakatakot na halimaw.

"Naiintindihan naman kita. Alam ko ang mga pinagdaanan mo pero matagal na 'yon, dapat ngayon nakalimutan mo na ang lahat ng 'yo-----." natigil ako ng bigla niyang hinampas ang manibela, tumunog pa ang busina nito.

"KALIMUTAN!!! REALLY TRIX!? KALIMUTAN! WALA KA NAMAN PALANG PINAGKAIBA KAY WAYNE AT SA MGA KAIBIGAN KO E, PARE-PAREHO KAYONG MGA BULAG!!!"

Hindi ako makapaniwala na pati ako pinagtataasan niya narin ng boses tapos ano ang susunod? Sasaktan niya narin ba ako katulad ng ginawa niya kay Angela? Sa totoo lang nakakapanibago si Bryle, nawala lang ako ng ilang buwan pero ang laki na ng pinagbago niya, naging moody at mainitin ang ulo nito. Dati naman siyang ganun pero ibang-iba ngayon e, parang mas lumala pa siya and that's because of Angela.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now