CH.24 The Gown

4.2K 79 0
                                    

~•I sincerely feel that beauty largely comes from within.•~

-Christy Turlington




*ANGELA'S POV*




"Everline Dress Shop!" sabi ko habang nakatayo ako sa harap ng isang malaking building.

Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

"Let's go." sabi niya at bigla niyang hinila ang kamay ko, muntik pa ako madapa sa lakas ng paghila niya sa'kin. Napaka-barumbado talaga nitong lalaking 'to, hindi uso sakanya ang salitang gentle touch.

"Te-teka......dahan-dahan naman!" sabi ko pero tuloy lang siya sa paghila sa'kin hanggang sa makarating kami sa loob ng shop.

Pagpasok namin dito ay saglit akong napahinto at napatitig sa loob nito. Wow hah! Shop lang 'to pero parang mega mall sa laki. Halos umikot ng 360 degrees ang eye balls ko sa pag-e-explore sa ambiance ng shop na 'to.

Nakamamangha lalo na yung mga naka-display na dress at gowns sa isang malaking glass compartment, tapos ung mga sales lady dito parang mga candidate sa beauty contest dahil ang gaganda nila, flawless na flawless. Sobrang elegant at classy ng lugar na 'to.

I came closer to see all the dress in the big glass compartment. Now, hanging in front of me a black asymmetrical gown with white strips which really flabbergasted my pysche. I pointed my finger into it.

"Ang ganda!" I said dumbfounded.

Naputol ang pag-explore ko sa amazing world nang hilain na naman niya 'ko. Panira talaga, hmmp!!!

"Mr.Oxford!!!" salubong sa'min ng isang bakla. Agad itong lumingkis kay Bryle at nakipag-beso dito pero parang hindi naman beso yun e.

"Akala ko hindi na kayo dadating." sabi nito na parang close na close sila.

"Na-traffic lang!!!" sagot ni Bryle.

Tumaas ang kilay ko sa sinagot niya. Traffic daw, baka na-traffic sa kama.

"Grabe naman talaga ang traffic ngayon, kalurkee!!! Parang relasyon, ang bagal ng usad,  hahahaha." tumawa ito ng pagkalakas-lakas, yung tawa niya parang pinaghalong tawa ni Kris Aquino at Boy Abunda.

"So, Shall we start now." Bryle.

"Of course, basta ikaw." flirt na sabi ng bakla kay Bryle sabay kindat pa.

Chicks niya ba ang baklang 'to, naku hindi naman sana.

"Halika!!!" sabi sa'kin ng bakla.

"A-ako!?" tanong ko nang makita ko na nakatingin siya sa'kin.

"Hindi yung, aso. Siyempre ikaw...anu ka ba!?"

Tinignan ko si Bryle tapos sinenyasan niya ako na sumunod nalang.

"Pa'no ka!?" tanong ko sakanya.

"I'll wait here!" sabi niya. Sa huli, sumama nalang ako dito sa baklang 'to, hindi naman siguro niya ako ibubugaw.

Pagpasok namin sa silid, agad kong nakita ang repleksyon ng sarili ko sa isang malaking salamin....as in sobrang laki na halos sakupin ang isang pader.....pero ang mas higit na pumukaw sa pansin ko ay ang mga dress na nakasabit sa isang compartment.

"Ako nga pala si Madam D." pakilala nito sa'kin habang nakatingin sa'kin. Nginitian niya ako kaya gumanti rin ako ng ngiti.

"Hi po. Ako naman si Angela." pakilala ko rin.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now