CH.49 Surprise

3.8K 65 0
                                    

~•The easiest thing in life is to love someone and hardest part is finding someone who loves you back the same.•~

-Anonymous




*ANGELA'S POV*


Nakatulala ako ngayon habang nakatakip ang isa kong kamay sa aking bibig. Parang ayoko maniwala sa nakikita ko, hindi ko alam kung totoo ba ito o baka nasa loob na naman ako ng isa sa mga panaginip ko.

Hindi ko kailanman inakala na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, na ang taong naglagay ng impyerno sa buhay ko, yung taong walang ginawa kundi ang pahirapan ako ay nandito ngayon kasama ko.

Unti-unti akong naglakad papunta sa isang maliit na lamesa na nasa gitna ng mga ilaw at bulaklak.

"Napaka-ganda!" yun lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

Nakita ko sila Greg at Craige na nakatayo sa isang gilid, nakatingin ang mga ito sa akin habang nakangiti.

Ngayon alam ko na kung bakit ayaw nila ako palabasin, kasabwat pala sila ni Bryle upang gawin ito, para sopresahin ako.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ito luha na nagmula sa pagdudusa, luha ito ng kasiyahan.

Liningon ko si Bryle, I run towards him to give him a hug.

I heard him chuckles then he gave me a peck of kiss on my head.

"Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan?" he asked.

"Baka kasi sabihin mo hindi naman para sa'kin 'to." umiiyak na sabi ko sakanya.

"Haha. No, this is all for you." natatawang sabi niya.

"Talaga!?" paninigurado ko, baka kasi mag-assume na naman ako sa wala. "Para sa'kin 'to?"

"Like what I said!" he answers.

Tumingala ako para tignan siya. Pinunasan niya naman ang luha sa pisngi ko.

Hinalikan niya ako maging ang mga luhang patuloy na lumalabas sa mata ko. "'Wag ka na nga umiyak, para kang bata e." sabi niya habang pinupunasan ang mukha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa gitna ng munting paraiso na ginawa niya para sa'kin. Hinila niya ang upuan at pinaupo ako pagkaraa'y naupo narin siya sa harap ko.

Hindi ko maiwasang hindi ilibot ang mga tingin ko sa paligid. Walang sweet music, walang bouquet of flowers, walang chocolates, simple lang ang ginawa niyang 'to pero sapat na ang mga tunog ng alon sa dagat, ang pagkagat ng tubig sa lupa, at higit sa lahat, kasama ko ngayon ang lalaking mahal na mahal ko. Ito ang matagal ko nang pinapangarap na mangyari, na masaya kaming magkasama.

"Ikaw ang gumawa ng lahat ng 'to?" I asked again.

Tumingin siya sa kinatatayuan nila Greg at Craige. "Tinulungan nila ako." sagot niya.

Kaya pala bigla-bigla nalang sila nawawala kanina, 'pag minsan si Greg ang nawawala, minsan naman si Craige, yun pala tinutulungan nila si Bryle sa pagbuo nito.

Tumayo siya at pumunta sa tabi ko, then he offered his hand.

"Can we have dance?" tinitigan ko muna ang kamay niya. Ito ang kamay na nagbigay ng mga sugat at pasa na meron ako ngayon, sa kamay na 'to ako naghirap at nagdusa.

Tumingin ako sakanya at ngumiti. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at agad kong hinawakan ang kamay niya. Ngayo'y nakasisiguro ako na hindi na 'ko muling sasaktan ng kamay na 'to.

Possessive Nights (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz