CH.47 The Warning

4.4K 67 0
                                    

~•All the world is full of suffering. It is also full of overcoming.•~

-Helen Keller




*WAYNE'S POV*



"Mr.Emmanuel Oxford!!!" Blaze said in high voice.

We all shift our eyes on the door then we saw Tito Emmanuel standing at the front door along with his secretary and some of his bodyguards. Tito Emmanuel is the owner of OXCO and he is the father of Bryle.

"Anong ginagawa niya dito?" bulong ko.

Pinasadahan niya kami ng tingin, malamang nagtataka siya kung ano ang ginagawa namin dito sa bahay nila Angela.

"T-tito Emmanuel!" tumayo ako at sinalubong siya.

Si Shan nang matauhan ay kinompronta agad si Tito. "Anong ginagawa mo dito!?" mataray na tanong niya pero hindi siya pinansin nito na mas lalong nagpa-usok sa ilong niya.

"May I!!!?" tanong niya na nanghihingi ng pahintulot na pumasok.

Hindi na ito naghintay ng sagot at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagtinginan nalang kami at hindi na nagsalita pa. Hindi talaga namin inaasahan na pupunta siya sa ganitong lugar at sa bahay pa ni Angela. Pinagmasdan namin siya habang linilibot nito ang buong sala ng bahay.

"Pigilan niyo ko, bibigwasan ko talaga ang matandang 'to!" nanggi-gigil na banta ni Shan.

"Hayaan mo nalang." bulong sakanya ni Blaze.

She just gave a leering look to Tito Emmanuel. Halatang inis na inis siya dito.

"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa. I came here with a purpose, I am looking for my son. Ilang araw na siyang hindi siya nagpapakita sa kumpanya, hindi narin siya umuuwi sa bahay niya, and to make things worst, I didn't know where he is."

Tama ang iniisip ko. Nandito siya para hanapin si Bryle. Nabalitaan ko na nakumpurmiso na ang ilang business transactions nila dahil sa pagkawala ni Bryle. Paano nga naman tatakbo ang isang kumpanya kung wala naman ang nagpapatakbo nito?

"Since you're all here and surprisingly, you are here too." tinignan nito si Xavier na anak ng may-ari ng biggest business prospect ng OXCO. "I am just wondering kung nandidito rin si Bryle."

Umabante si Shan at matapang na hinarap si Tito Emmanuel.

"Nakikita mo ba siya dito? Nakikita mo ba ni isang hibla ng buhok niya sa bahay na 'to?" Shan said with a courageous tone.

"So, I guess wala nga siya dito....kung ganun tama nga ang mga naririnig ko na magkasama sila ngayon ni Angela." Tito Emmanuel stated.

"Hindi na natuto ang kaibigan niyo, binalaan ko na siya dati na kung hindi niya titigilan ang anak ko may mangyayaring masama sakanya at sa pamilya niya pero hindi siya nakinig." nagkaroon pala sila ng kasunduan ni Angela. Hindi na 'ko magtataka dahil matagal ko nang kilala si Tito, alam ko kung paano siya maglaro. "...bakit? Hindi pa ba sapat ang perang binayad ko sakanya para tuluyan niya nang layuan ang anak ko? Hindi pa ba sapat or she just want an assurance for lifetime luxuriance?"

"BAWIIN MO ANG SINABI MO!!!" susugurin na sana ni Shan si Tito pero pinigilan lang namin siya.

"Bitiwan niyo ko!!!" pagpupumiglas niya. "Gusto ko lang ipamukha sa matandang 'to na hindi mukhang pera ang kaibigan ko, oo mahirap kaming tao at para sa inyo mga basura lang kami na kayang-kaya niyo tapakan pero sasabihin ko sa inyo na may dignidad kami hindi tulad mo na sumasamba at nagpapakamatay para lang sa pera." tuluyan ng napuno si Shan, hindi niya na nakayanan ang mga pang-iinsulto ni Tito Emmanuel sa kaibigan niya na wala dito para ipaglaban ang sarili niya.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now