CH.48 Necklace

4K 56 4
                                    

~•Love is an adventure, you must face some difficulties and challenges before you get what you want.•~

-Anonymous



*ANGELA'S POV*




"Hindi po talaga pwede, Ms. Angela. Kami po ang mapapagalitan ni Sir. Bryle." sabi ni Craige sa'kin.

Ilang beses niya na ako tinanggihan but I keep on pushing myself.

"Hindi naman ako tatakas e, kung gusto niyo samahan niyo pa ako. Gusto ko lang talaga mamasyal sa labas." nagmamakaawang sabi ko sakanya.

Kanina pa ako nagpupumilit na lumabas pero ayaw talaga nila akong payagan, kesho mahigpit daw ang bilin sakanila ni Bryle na 'wag ako palalabasin, kesho mapanganib daw sa labas, kesho palubog na daw ang araw, ang dami nilang dahilan 'di ba.

Kainis! Buong araw nalang ako nakakulong dito. Daig ko pa si Rapunzel, yung nga lang wala na akong mahabang buhok.

"Pasensya na po pero hindi talaga pwede." sabi din ni Greg.

Sa sobrang higpit nila halos sakupin na nila ang buong pintuan para hindi lang ako makalabas, wala talaga silang balak palusutin ako.

"E 'di 'wag!" padabog akong nagtungo sa sofa at umupo dito. "Dito nalang ako maghapon, dito nalang ako buong buhay!" parinig ko sakanila.

Nag-indian seat ako at nag-cross arms, sinilip ko sila at inirapan.

Saan ba kasi nagpunta si Bryle? Buong hapon siya wala. Sabi naman ng mga ungas na ito may inasikaso daw siyang importante.

Hindi ako mapakali habang nakaupo ako, bagot na bagot na 'ko, hindi ko na talaga kayang labanan ang inip.

Walang T.V.

Walang wifi.

Walang cellphone.

Wala lahat, daig ko pa ang preso sa kalagayan ko ngayon.

Tumayo ako at muling nagtungo sa pintuan.

Tinignan ko silang dalawa. Bigla akong nanliit dahil ang tatangkad nila, nagmistulan akong itlog sa pagitan ng dalawang hotdog.

"Palabasin niyo na kasi ako. Promise, hindi 'to malalaman ni Bryle." pagpupumilit ko.

Nagtinginan silang dalawa. Akala ko hahayaan na nila akong lumabas pero nang tumingin ulit sila sa'kin they both shake their heads.

I pouted.

They don't really have a plan to let me go outside which makes me feel so upset. But this is not the end, I wont give up that easy.

"Ganito nalang, kung hahayaan niyo ko lumabas.....sagot ko na ang lunch, meryenda, at dinner niyo for one week." eto nalang ang huling naiisip kong paraan para palabasin nila ako.

Muli silang nagtinginan sa isa't isa tapos sabay silang ngumiti.

"Ano!?" ako.

"Lunch, meryenda, dinner?" paglilinaw ni Greg.

"For one week!" ganun din si Craige.

"Yup, with free drinks and eat all you can promo." I said with a big smile in my face.

Their eyes widened due to extreme excitement.

"Pero kung......kung palalabasin niyo ko dito." ako. Siyempre dapat gawin nila ang gusto ko kung gusto nila ma-claim ang prize nila.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now