CH.33 Big Announcement

4.1K 83 1
                                    

~•Every tear should live its purpose. Don't ever wipe a reason away.•~

-Jessica Simpson



*ANGELA'S POV*



Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan pero nakikisabay nalang ako sa bawat tunog na linilikha nito. Blanko ang isip ko sa mga oras na ito.

Ang bilis ng mga pangyayari. Inamin sa'kin ni Xavier ang tunay niyang nararamdaman para sa'kin. Nagulat ako nang sabihin niya na mahal niya ako, mahal ko siya bilang kaibigan pero hindi ko alam kung may mas hihigit pa do'n.

Lulan ako ng isang magarang sasakyan, suot ang isang magandang kasuotan na kayang bayaran ang lahat ng mga utang ko. Naihanda na pala ni Xavier ang lahat ng ito kaya wala na akong dapat alalahanin, medyo nahirapan nga lang ang mga make-up artist na takpan ang mga pasa at sugat ko sa katawan.

Pinagmasdan ko ang mga poste ng ilaw na nadadaanan namin. Pagkatapos ng gabing ito, alam ko na mag-iiba na ang takbo ng buhay ko. Biglaan at mabigat ang desisyon na aking ginawa pero ito lang ang alam kong paraan upang hindi na ako muling masaktan ni Bryle. Hindi ko gagawin 'to dahil nasasaktan at nahihirapan na 'ko, gagawin ko 'to dahil gusto ko nang palayain ang mga sarili namin, ayoko ko nang mabuhay pa siya sa galit. Kailangan ko nang tanggapin na hanggang dito nalang kami, na ang mga masasaya at masasakit na sandali ng aming buhay ay magiging isa na lamang alaala. Nandiyan naman si Trixie upang pasiyahin siya at nandito naman si Xavier para samahan ako sa mga susunod na yugto ng buhay ko. Sana lang kayanin ko.

Hindi ito isang pagtakas kundi isa itong paglaya, paglaya sa poot at galit na nabubuo kapag magkasama kaming dalawa. Sana pagkatapos ng gabing ito'y maging maayos na ang lahat. Nakapagpaalam na ako kay Manang Martha, nangako ako na babalikan ko siya kapag maayos na ang lahat.

"Are you still nervous!?" tanong sa'kin ni Xavier. "S-sorry kung binigla kita. Alam ko na hindi madali para sayo ang lahat."

"Wala 'yon. Aaminim ko nabigla ako pero para sa'kin din naman ang lahat ng 'to. Nagpapasalamat din ako kasi nandiyan ka parin sa tabi ko, hindi mo parin ako iniiwan." iyinuko ko ang aking ulo upang itago sakanya ang nangingilid na luha sa mga mata ko.

"O naiiyak ka na naman." binalot niya ang pisngi ko gamit ang kanyang palad at sinimulang punasan ang luha na nagsisimula na namang gumuhit sa aking mukha. "'Wag ka nga umiyak diyan! Sige ka, baka masira ang make-up mo niyan." biro niya.

"Baliw ka!" ako.

"Hahahaha!!" tawa niya. Pagkatapos no'y dumaan ang tahimik na sandali.

Deretso lang ang tingin ko sa daan na binabagtas namin pero alam ko na pinagmamasdan niya ako. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil do'n. Hinawi niya ang ilang buhok na humambalang sa mukha ko."You're so beautiful!!!" napatingin ako sakanya matapos niya sabihin 'yon.

"You will be the most beautiful creature who will stoodout later this night. No one can able to transcend you 'cause you're the only one, one and only woman in my life." nahihiya ako kay Xavier pero mas nahihiya ako sa sarili ko dahil alam ko sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para sakanya pero hindi ko naman inaalis ang posibilidad na matututunan ko rin siyang mahalin.

"Nandito na tayo!" sabi niya sa'kin. Inalalayan niya akong makababa sa sasakyan. Nang makababa kami'y bumungad sa'kin ang isang mataas na gusali na napalilibutan ng makukulay na ilaw.

Tumitig ako sakanya. Mas lalong nadagdagan ang nararamdaman kong kaba.

"Sa-s-sayo 'to!?" I said bolt of the blue. It really flabbergasted me, ganito pala talaga siya kayaman.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now