CH.55 His Decision

3.7K 57 3
                                    

~•Sometimes it's the smallest decisions that can change your life forever.•~

-Keri Russell





*THIRD PERSON POV*


Paubos na ang alak sa baso ni Mr.Oxford nang lapitan siya ng isa sa mga tauhan niya. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam niya na kung ano ang sasabihin nito.

"Dumating na siya, hindi ba!?" sabi nito. Nagulat naman ang kanyang tauhan na nasabi na nito ang sasabihin niya pa lamang.

"O-opo, kararating lang po niya kasama ang mga kaibigan niya." sagot nito.

"At talagang nagsama pa siya ng mga asungot, bweno maghanda kayo. 'Wag niyo siya hahayaang makalapit kay Angela, we will make this without violence." sabi niya bago siya tumayo.

Samantala, matapang na bumaba ang magkakaibigan sa kanilang sasakyan, dala nito ang kanilang mga baril na kanilang gagamitin sa nagbabadyang giyera sa kalagitnaan ng gabi. Hindi makikitaan ng kahit ano ang mga mukha nito maliban sa tapang na suungin ang panganib, walang lugar ang takot, hindi ito ang tamang panahon para maging duwag. Pumunta sila dito na buo ang loob at handang mamatay.

Nadatnan nila ang mga tauhan ng ama ni Bryle na triple sa kanilang dami. Katulad nila'y may mga hawak din ang mga itong baril na handang sumagot sa kanilang paghahamon.

Ilang dipa ang layo ng mga lupon nila sa isa't isa pero ang mga sukatan ng tingin ay hindi mapatid-patid. Wala ni isang ingay ang nalilikha.

Ilang saglit pa'y isang mala-demoyong halakhak ang bumasag sa katahimikan. "BWAHAHAHAHA!!!!!" mula ito sa ama ni Bryle na ngayon ay naglalakad sa gitna ng dalawang grupo.

Iyinukom ni Bryle ang kanyang kamay. Mas lalong tumataas ang tensyon sa paligid. Nagtatagis ang bagang nito sa galit.

"Long time no see, my son!!! Did you miss me?" sabi nito sakanyang anak na matalim na nakatitig sakanya.

Hindi siya sinagot nito.

"Oh, I guess, you didn't miss me at all but I wanted to tell you that I missed you so much, my son." mapanlokong sabi nito na sinundan ng isa pang halakhak. "BWAHAHAHAHAHA!!!"

Mas lalo lang nadadagdagan ang inis ni Bryle dahil sa pang-iinis nito. Kung hindi lang iisa ang kanilang dugo ay matagal niya na itong pinakain ng bala.

"We don't have time to make jokes with you, nandito kami para kunin si Angela. Ibigay mo na siya sa'min habang may pasensya pa kami." matapang na banta ni Xavier.

Ilinipat ni Mr.Oxford ang atensyon niya kay Xavier. "Ang lakas din ng loob niyo maghamon 'no, iba na talaga ang mga kabataan ngayon...masyado na kayong mapangahas. Sugod kayo ng sugod, pasok kayo ng pasok ng hindi nag-iisip." pinasadahan nito ng tingin ang bawat isa sakanila. "Did you know na kayang-kaya ko kayo ubusin lahat sa isang kumpas lang ng kamay ko? Tapos ngayon kayo pa ang may lakas ng loob na pagbantaan ako." pagpapatuloy niya.

"At isa pa, nasa akin ang alas, na sa'kin ang taong hinahanap niyo......ilabas niyo na 'yan!" utos nito sa mga tauhan niya.

Dinala ng mga ito si Angela sa nangyayaring kumosyon, nakapiring parin ito at nakagapos. Wala siyang kamalay-malay na nasa harap niya na ngayon si Bryle at ang mga kaibigan niya.

"Bitiwan niyo nga 'ko! Saan niyo ba ako dadalhin?" inis na sabi niya habang pilit na linalabanan ang mga may hawak sakanya.

"Angela, ANGELA!!!" sigaw ni Bryle sa pangalan ng kanyang asawa, tatakbo na sana ito papunta dito pero pinigilan lang siya ng mga kasama niya.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now