CH.32 The Party

3.9K 89 2
                                    

~•The lower self does not want anyone to receive anything from anybody else, and if it is aware of something receiving a special boon, it seeks to destroy it.•~

-Rumi




*ANGELA'S POV*


"Bryle, please! 'wag mo naman gawin sa'kin 'to!!!" pagmamakaawa ko.

Pilit niya akong ipinapasok sa ilalim ng lababo. "Parang awa mo na! Hindi na mauulit, 'wag mo lang ako ikulong dito!"

Hindi ko alam kung ano pang klaseng pagmamakaawa ang kailangan kong gawin, hindi siya nakikinig sa'kin at sa kahit sinuman. Manang had been doing her best to stop Bryle pero ayaw niya magpapigil, even Trixie tried to gratify him.

"Tignan natin kung hindi ka pa matauhan dito." madiin na sabi niya habang pilit akong ipinapasok sa ilalim ng lababo.

"Pakiusap, Bryle. TAMA NA!!!" halos sumigaw na si Manang Martha pero wala itong epekto kay Bryle. Isa lang ang laman ng isip niya ngayon at yun ay ang maikulong ako dito sa loob ng cabinet.

"Tama si Manang, Bryle. I think you should stop this, let just prepare ourselves for the incoming party tonight. Hayaan mo nalang siya, I'm sure natuto na siya sa nagawa niya." Trixie tried to convince him but how could you able to stop someone na ayaw naman magpapigil.

"Pwede ba, 'wag kayong makialam. Dinidisiplina ko lang siya sa mga kagaguhan niya." buwelta ni Bryle.

"Pero mali na itong ginagawa mo, maling mali. Hindi mo dapat siya ginaganito, kahit gaano pa kalala ang nagawa niyang kasalanan sayo." Manang Martha.

"Wala kayong alam kaya 'wag kayong makialam dito Manang. Gagawin ko kung ano ang gusto ko gawin sakanya." pilit akong ipinaglalaban ni Manang, ginagawa niya ang lahat 'wag lang ituloy ni Bryle ang balak niya gawin sa'kin pero paano kung siya naman ang pag-initan ni Bryle. Kakayanin ba ng kunsensya ko kung pati siya saktan nito.

"Demonyo ka. Napakasama mo, ibang iba ka sa Bryle na pinalaki ko. Wala ka nang pinagkaiba sa ama mo." napuno na si Manang kaya niya nasabi 'yon at doo'y mas lalong nadagdagan ang galit ni Bryle. Ayaw na ayaw niyang ikinukumpara siya sa ama niya.

"MANANG!!!" agad akong gumapang papunta kay Manang nang patikimin siya ni Bryle ng malakas na sampal.
Sobra na siya, iba na ang takbo ng pag-iisip niya. Mas masahol pa siya sa demonyo at pati si Manang sinasaktan na niya. Taong halos tumayo bilang ina niya.

"B-Bryle!" Trixie.

"ANO BA, BRYLE!! PATI BA NAMAN SI MANANG MARTHA!!!" ako.

"Kung hindi ka na nakipag-matigasan pa sa'kin hindi sana nangyari sakanya 'yan pero 'wag ka mag-alala hindi pa ako tapos sayo." muli niya hinawakan ang braso ako. Puwersahan niya ako hinila at pilit na ipinasok sa loob ng cabinet.

"A-angela!" nanghihina na tawag ni Manang sa pangalan ko. Hindi ko na iniisip ang sarili ko ngayon, ang iniintindi ko ay si Manang Martha.

Hindi na ako lumaban pa at sa huli'y hinayaan ko nalang si Bryle na ikulong ako dito sa loob ng cabinet. Eto lang ang paraan para matapos na 'to. Nasaktan na si Manang at ayoko nang maulit pa 'yon. Lilipas din ang araw na 'to....pero sa ngayo'y magtitiis na lamang ako dito sa loob ng masikip at madilim na cabinet na 'to.

Ikinandado ni Bryle ang kabinet bago sila umalis.

"Angela!" sabi ni Manang mula sa labas.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now