CH.51 Premonition

3.4K 46 2
                                    

~•Without knowing what I am and Why I am here, life is impossible.

-Leo Tolstoy




*ANGELA'S POV*


Magkakasunod na halik sa labi at sa noo ang gumising sa'kin. Unti-unti kong binukas ang mga mata ko at doon ko nasilayan ang unang tao na nakita ko ngayong araw, isang lalaki na siyang nagpaguhit ng mga ngiti sa aking mukha, sinundan niya pa 'yon ng isa pang halik bago ko kinawit ang leeg nito upang yakapin siya ng mahigpit. Kinawit ko rin ang bewang niya gamit ang dalawang paa ko.

"Hahaha." he chuckles.

"Kung makahalik ka diyan, alam mo ba na hindi pa ako nagtu-toothbrush." I complained.

"I don't care. You satisfied my body last night so you deserve to be kissed like this." then he kissed me again and again.

"Like this......like this......like this." a bunch of kisses fell in every part of my face.

"Good morning, sweetheart!" he said.

And I answered him. "I love you!"

Tinignan niya ako ng deretso sa mata. Kitang-kita ko ang naglalarong saya sa mga ito. Hinaplos ko ang mukha niya at inayos ang kanyang buhok.

"May lakad ka ba mamaya!?" I asked.

"Yup! May lakad ako mamaya. Bakit mo natanong!?" balik niya sa tanong ko.

Nalungkot naman ako sa sagot niya. Akala ko free siya ngayong araw, gusto ko pa naman mamasyal sa Isla kasama siya.

"Sayang naman." I said in regretful tone.

"Bakit? May gusto ka bang gawin?" he asked again.

Hinaplos ko ang balbas niya at pinaglaruan ito. "Gusto ko kasi mamasyal sa isla kasama ka pero dahil busy ka, baka sa ibang araw nalang." nagpout ako.

Hinalikan niya ako ng dalawang beses bago niya ako muling kinausap. "Pwede ka naman mamasyal e. Isama mo sila Craige at Greg para may kasama ka." nabuhayan ako sa sinabi niya sa'kin.

Seryoso ba siya? Papayagan niya ako lumabas kasama ang ibang lalaki. Nakakapanibago naman yata kasi dati kapag nakikita niya akong may kasamang ibang lalaki kahit wala naman kaming ginagawang masama ay umiinit na agad ang ulo niya pero ngayon sa bibig niya na mismo nanggaling na pinapayagan niya na akong lumabas kasama ang mga naggagwapuhan niyang mga bodyguards.

"Talaga! Hahayaan mo akong lumabas kasama sila." masigla at hindi makapa-niwalang sabi ko.

Ngumiti siya at saglit na napatawa dahil sa reaksyon ko.

"Oo naman, why not? Mula ngayon magiging maluwag na 'ko sayo kasi kapag naging mahigpit pa ulit ako baka magpumilit ka na naman kumawala para iwan ako." he said seriously.

Saglit kaming nagkatitigan sa isa't isa. Mukhang seryoso naman siya sa lahat ng sinasabi niya sa'kin. Siguro umpisa na ito ng pagbabago niya at sana tuloy na tuloy na 'to.

Pinutol ko ang titigan namin sa isang mahinang tapik sa braso niya.

"Sus! Ang aga-aga ang drama mo. Paano pa ako makakawala sayo e ang bigat-bigat mo?" sabi ko sakanya. Kanina pa kasi siya nakadagan sa'kin, nangangalay na ang katawan ko sa bigat niya.

"Haha." napatawa siya sa sinabi ko.

"Alis ka na nga diyan, maliligo na 'ko." pilit ko siyang itinutulak paalis sa ibabaw ko pero ayaw niyang umalis. "Bryle, ano ba!? Sabi ko maliligo na ako e."

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now