CH.19 The Cook

5.3K 74 0
                                    

~•Love the art in yourself, not yourself in the art.•~

-Konstantin Stanislavsky






*ANGELA'S POV*

After 2 days.........

"Manang, pansinin mo na ako." sabi ko bago ko siya yinakap mula sakanyang likod.

Mula kasi nang mahuli niya kami ni Bryle na may ginagawang kababalaghan sa ibabaw ng lamesa ay hindi niya na ako pinansin. Kahit si Bryle, hindi niya kinikibo.

Kaming tatlo lang ang tao dito sa bahay pero nag-iiwasan pa kami, iniiwasan ko din kasi si Bryle simula noong araw na may nangyari sa'min.

"Sige na, Manang. Patawarin mo na ako, hindi ko naman sinasadya e."

Nakatalikod lang si Manang sa'kin habang nag-hihiwa ng sibuyas.

Sarkastiko itong napatawa sa sinabi ko. "Hindi sinasadya."

"Hindi ko naman ginusto 'yon e." huminto si Manang sa ginagawa niya at humarap sa'kin.

Sa wakas, after 2 days papansinin niya na din ako.

"Hindi 'yon ang nakita ko." sabi niya.

Hindi ko naman talaga ginusto ang nangyari sa'min ni Bryle e, sabihin na natin na konti pero....eeeei.

Tinitigan niya ako. "Sabihin na natin na ginusto ko pero nadala lang ako......pero promise, wala akong intensyon na makipag-siping sakanya."

"Sa ginusto mo o hindi, hinayaan mo parin siya na gawin 'yon."

Tama si Manang, hinayaan ko si Bryle na gawin iyon sa'kin. Kahit na nagpupumilit siya dapat pinigilan ko parin ang balak niya pero hindi e, I let him to seize my body and that shown na ginusto ko rin ang nangyari.

"Angela, ija...mga babae tayo at hindi dapat natin hinahayaan ang mga lalaki na magtake-advantage sa atin, hindi dapat natin sila hinahayaang samantalahin ang ating kahinaan dahil masasanay lang sila na gawin iyon ng paulit-ulit." Manang Martha.

"Sorry na, Manang. Hindi na mauulit, promise. Hindi ko na siya hahayaang pagsamantalahan ako ulit."

Tumingin siya sa'kin ng masinsinan.

"Okay lang naman kung gawin niyo ang bagay na 'yon dahil mag-asawa naman kayo....pero ilugar niyo lang."

Asawa daw!? Si Bryle pa, e kung tratuhin niya ako para lang akong pok-pok sa kanto e.

Hindi niya alam ilugar ang kalibugan niya, nadadamay pa tuloy ako. Sa gilid ng refrigerator, sa ibabaw ng lamesa, saan naman kaya sa susunod?

Pero sisiguraduhin ko na wala nang kasunod 'yon, hindi ko na ulit siya hahayaang gamitin ako.

"Promise manang, hindi na talaga muulit 'yon." itinaas ko ang kamay ko at nag-promise sakanya.

Ngumiti naman siya sa'kin at ibig sabihin no'n bati na kami.

"Eeeeeei, hindi na siya galit." yinakap ko siya ng mahigpit.

"Matitiis ba kita."

"Hindi, haha." kumalas siya sa yakap namin at tinitigan ako.

"Basta kapag nahuli ko na naman kayo na gumagawa ng kababalaghan kung saan-saan, ako mismo ang magpapalayas sa inyo dito ng hubo't hubad." babala niya sa'kin.

Grabe na naman yung hubo't hubad.

"'wag kayo mag-alala manang, wala ng kasunod 'yon." sabi ko sakanya.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now