CH.3.5 The hardest Part

6.8K 103 0
                                    

~•Every one of us gets through the tough times because somebody is there, standing in the gap to close it for us.•~

-Oprah Winfrey




Flashback Part 5





*ANGELA'S POV*




Nakatayo ako sa harap ng isang lalaki. Nanginginig sa lamig at basang basa sa ulan.

Gumuhit ang ngiti sa labi nito habang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair, tinatanaw ang lawak ng buong kamaynilaan.

"Sabi ko na nga ba't pupuntahan mo din ako." ani nito. "And that means you are accepting my proposition. Am I right, Angela!?"

Ayoko siyang sagutin, ayoko siyang kausapin pero hindi naman ako pumunta dito para tumayo lang sa harap niya. I came here with a reason.

Masakit man sa loob ko pero kailangan kong tanggapin ang offer niya at ang offer na 'yon ang magbubukas ng panibagong pahina sa buhay ko, pahina kungsaan hindi na ako at si Bryle ang bida.

"Yes, I'm accepting your offer but in one condition." umikot siya at humarap sa'kin, doo'y nakita ko ang kalituhan sa ekspresyon nito.   

"Anong kundisyon!?" seryosong tanong niya.

Sa totoo lang hindi ko gusto ang ginagawa ko ngayon, kung may choice lang ako hindi naman ako pupunta dito para tanggapin ang inaalok niya. Kung may choice lang ako hindi ko naman tatanggapin ang consequences na iwan ang taong mahal ko pero dahil sa mga problema namin parang tadhana na mismo ang naglalayo sa'min sa isa't isa.

"Maliban sa sampung milyon gusto kong tulungan mo kaming makaalis ng bansa.....yun lang at hindi mo na kami makikita pa." sumibol ang pilyong ngiti nito habang matiyaga niyang pinapaikot ang ballpen mula sakanyang mga daliri.

"Parang kahapon lang tinataggihan mo 'ko pero ngayon para kang isang palaboy na desperadang makapanlimos ng pera."

Desperada.

Desperada nga akong maituturing pero ako yung desperada na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng lahat.

"Sige!.....gagawin ko pero siguraduhin mo lang na tuluyan ka nang aalis sa buhay ng anak ko, kapag hindi ka tumupad sa usapan asahan mo na may mangyayaring masama hindi lang sayo kundi pati sa mga mahal mo sa buhay."

Wala talaga siyang kasing-sama, pati mga mahal ko sa buhay idadamay niya makuha niya lang ang gusto niya pero 'wag siya mag-alala, hindi ako yung klase ng tao na hindi marunong tumupad sa usapan.

Buo na ang desisyon kong iwan si Bryle bago pa man ako pumunta dito. Masakit para sa'kin na iwan ang taong mahal ko at 'yon na yata ang pinaka-masakit na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko.

Possessive Nights (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora