CH.3.2 In-laws Proposition

8.3K 109 1
                                    

~•Real integrity is doing the right thing, knowing that nobody's going to know whether you did it or not.•~

-Oprah Winfrey




Flashback Part 2



*ANGELA'S POV*



"10 million pesos, take it or leave it?" tinitigan ko ang check note na hawak ni Mr.Emmanuel Oxford, ama ni Bryle.

Sobrang laki ng perang inaalok niya at totoong sapat na ito para mapagamot ang inay ko pero hindi ko kayang ipagpalit si Bryle sa pera. Pera lang naman 'yan pero si Bryle, mahal ko 'yon.

Kung kinakailangan kong gumapang sa pagod sa katatrabaho gagawin ko, basta alam kong kasama ko ang lalaking mahal ko.

Magsasama kami anuman ang pagdaanan namin, pinangako namin 'yon sa isa't isa at sa harap ng diyos.

Hindi kayang tumbasan ng pera niya ang pagmamahal ko sakanyang anak. Alam kong nagte-take advantage lang ito sa sitwasyon namin para paghiwalayin kaming dalawa ni Bryle, sitwasyon kungsaan hirap na hirap kami.

"'Yan lang po ba ang sasabihin niyo? Pasensya na po pero hindi ko matatanggap ang inaalok niyo." ngumisi ito sa kabila ng pagtanggi ko. "Nakakaya naming igapang ni Bryle ang mga pangangailangan namin kahit wala yang perang inaalok niyo." paninindigan ko.

Naglakad siya paikot sa'kin. Nananatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko.

"Hindi ka ba naaawa sa asawa mo? Bulag ka ba para hindi makita na hirap na hirap na siya? Pinipilit niyang itinatago lahat ng nararamdaman niya pero sa loob niya, pagod na pagod na siya." napaisip ako sa mga sinabi niya.

Bulag nga ba ako para hindi makita ang mga paghihirap ng asawa ko?

Manhid nga ba ako para hindi maramdaman ang nararamdaman niyang pagod?

Hindi ko alam, naguguluhan ang isip ko?

Mahal ko ang asawa ko pero sa isang banda nakikita ko ang sarili ko na pinahihirapan siya.

Masakit sa'kin na mawalay sakanya pero mas masakit sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan sa relasyong pilit kong ipinaglalaban.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"Ni Minsan ba tinanong mo siya kung nahihirapan na siya? Kung napapagod na siya at kung nagsasawa na siya?" ayokong marinig ang mga salitang binibitiwan niya pero wala naman akong ginagawa upang pigilan ito, kusang tinatangap ng isip ko ang lahat ng sinasabi niya at ang sakit sa dibdib na tanggapin ang lahat ng 'yon. "I guess, the answer is no."

Possessive Nights (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum