CH.59 Acceptance

3.4K 47 0
                                    

~•A single moment of misunderstanding is so poisonous that it makes us forget the hundred lovable moments spent together within a minute.•~

-Anonymous






*ANGELA'S POV*



'It's either Angela or the baby.'


Hindi parin mawala-wala sa aking isipan ang mga nalaman ko tungkol sa sakit ko. Napaka-komplikado, ang hirap tanggapin na gigising ako sa umaga at biglang sasagi sa isipan ko na muli na namang mababawasan ang mga araw na itatagal ko dito sa mundo. Para akong nagbibilang ng mga araw sa tuwing sasapit ang pasko.

Ipinaliwanag na nila sa'kin ang lahat. Sabi ng doktor mayroon na lamang akong siyam na buwan para mabuhay pero pwede pang tumagal 'yon, pwede pa akong gumaling sa sakit ko kung sasailalim ako sa operasyon. Sa halip na matuwa, mas nadadagdagan lang ang kalungkutan sa puso ko dahil alam ko na sa oras na tanggapin ko ang operasyon at gumaling ako maaring maging kapalit nito ang buhay ng anak ko.

Buhay kapalit ng panibagong buhay. Mamamatay ako o mabubuhay ang bata. Mabubuhay ang bata o mamamatay ako. Dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari at isa lang ang pwedeng mabuhay sa aming dalawa. Nahaharap ako sa pinakamabigat na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko. Alam ko mahirap, alam ko maraming masasaktan pero kailangan kong magdesisyon dahil maaring malagay sa kapahamakan ang buhay naming dalawa ng baby ko.

Ilang araw ko din itong pinagisipan at ngayon ay nakapagdesisyon na 'ko. Sana lang matanggap nila ang desisyon kong ito.

Nakatulala ako sa kawalan. Kasama ko silang lahat, si inay, si Shan, si Xavier, si Wayne, Blood at Blaze. Nandito parin sila sa tabi ko, hindi parin nila ako iniiwan.

"Nakapagdesisyon na 'ko." I caught their attention.

They look at each other before they turn their gaze on me.

"Nine months, right? So, I still have six months left. Maidedeliver ko pa ang bata bago ako mamatay. Kakayanin ko, bubuhayin ko siya." pinunasan ko ang luhang umagos sa aking mukha.

Lahat sila nabigla sa sinabi ko. Hindi sila agad nakapagsalita.

"A-anak." inay.

"Angela, hindi.....'wag mo gawin 'to. Hindi namin kakayanin kung mawawala ka." sabi ni Shan sa'kin.

"N-naguguluhan lang ang isip mo ngayon anak, baka...baka magbago pa ang isip mo." sabi ni inay sa'kin na ngayon ay umiiyak narin.

"Like what I said, I already made my decision and that's final. I am going to save my child's life, hindi ko kakayanin kung pati siya mawala sa'kin." I said in cold tone.

Pinipilit kong maging matatag kahit patuloy na bumubuhos ang mga luha ko. Kailan ko tibayan ang aking sarili para sa anak ko.

"No, hindi ako papayag. You're going to take the operation, hindi ka mamatay, Angela. Just forget about the baby, kaya mo pang magkaroon ng marami pang anak but your life.......you only have one." Xavier said with high and loud voice.

"Makinig ka sakanya, Angela. Marami kaming nagmamahal sayo, paano nalang kami kung mawawala ka?" sabi rin ni inay.

"Hindi kayo ang magdedesisyon kung ano ang gusto ko gawin sa buhay ko. Ibabalik ko ang tanong niyo, paano na 'ko kung mawawala ang baby ko?"

"Angela, naman e." napasabunot sakanyang buhok si Shan. "Kahit ngayon lang, beshie.....kahit ngayon lang isipin mo naman ang sarili mo."

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon