CH.8 Battered Wife

7.4K 127 7
                                    

~•Nothing hurts more than realizing he meant everything to you and you meant nothing to him.•~

-Anonymous






*ANGELA'S POV*



Napanginig ako sa malamig na dampi ng hangin sa aking katawan. Nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng bahay, tinitiis ang lamig na dala ng papalalim na gabi dahil sa paghihintay ko sa aking amo, sa aking asawa na ilang oras ko na ring hinihintay.

Kung hindi ako nagkakamali ay limang oras narin akong naghihintay sa pagdating niya kung kaya't hindi maiaalis sa'kin na makadama ng pagod at antok.

Papikit-pikit ang mata ko habang nakatanaw sa gate ng bahay, umaasa na anumang sandali mula ngayon ay makikita ko na ang sasakyan na lulan ang aking asawa.

Dati hindi naman umuuwi ng gabi si Bryle. Madalas ang uwi nito ay nasa bandang 7:30 p.m at minsan ay 8:00 p.m.

Gabihin man ito'y nagtetext siya sa'kin na gagabihin siya ng uwi dahil sa dami ng trabaho sa opisina pero ngayon kahit text o tawag ay wala akong natatanggap.

Sino ba naman ako?

Asawa niya lang naman ako na katulong nalang niya ngayon.

At hindi ko na dapat pa ikumpara ang nakaraan namin sa kasalukuyan dahil marami ng nagbago, marami na siyang pinagbago at marami pang magbabago.

'Beeeeeeeep! Beeeeeeeeeeep!'

Nagising ako sa ulirat nang makarinig ako nang sunod-sunod na busina ng sasakyan, agad akong tumakbo sa gate para buksan ito dahil sa wakas ay dumating na ang taong kanina ko pa hinihintay.

Pagkatapos ko i-lock ang gate ay napansin ko na hindi idineretso ni Bryle ang kanyang sasakyan sa garahe bagkos ay nakatigil lang ito ilang dipa mula sa kinaroroonan ko.

Lumapit ako sa kotse para tignan kung nakapasok na si Bryle sa loob ng bahay pero saktong paglapit ko doon ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kotse.

Ilinuwa nito si Bryle na nakayukom ang mga kamay.

Hindi ko alam kung bakit pero galit itong nakatingin sa'kin, nagtatagis ang mga bagang niya habang pulang-pula naman ang mukha nito na halos hindi ko na siya makilala.

Saglit ako napaatras dala ng takot at kaba na nararamdaman ko sa tuwing pagmamasdan ko siya sa ganyang itsura.

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko din alam kung ano ang gagawin niya.

Dapat ko na bang ihanda ang aking katawan sa panibagong serye ng pagpapahirap na ipararanas niya sa akin?

Dapat ko na bang ihanda ang aking mga mata sa muling pagbuhos ng aking mga luha?

Dapat ko na ba ihanda ang puso ko sa nakaabang na sakit na dala niya?

Nagsimula nang bumuhos ang aking mga luha nang lumapit siya sa'kin at hawakan ako ng mahigpit sa aking braso, pakiramdam ko'y anumang oras ay mababali ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Bryle ano ba? Nasasaktan ako." nasayang lamang ang mga salitang binitiwan ko dahil hindi man lang niya ako liningon at patuloy parin siya sa pagkaladkad sa'kin papasok ng bahay.

"Bryle, bitiwan mo na'ko please!!!" he just ignored my words same way on what he did a second ago, my tears began to fall for this coarse situation.

Possessive Nights (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant