CH.68 Gun and Roses

4.6K 58 10
                                    

~•A happy marriage is new beginning of life, a new starting point of happiness and usefulness.•~

-Dean Stanley






*ANGELA'S POV*


Destiny
by Jim Brickman

What if i never knew
What if i never found you
I never had
This feeling in my heart


Muling bumalik sa alaala ko ang araw na kinasal kami ni Bryle, hindi iyon ang pinakamagandang kasal na kayang ibigay ng isang lalaki sa magiging asawa niya at hindi rin 'yon ang klase ng kasal na pinapangarap ng mga babae sa kanilang mga panaginip pero alam ko noong araw na 'yon na ako ang pinakamasayang bride na ikakasal dahil ang kasiyahan ay dapat magmula sa pagmamahal, at pagnanais na makasama ang taong ito sa mga araw, buwan at taon na dadating hanggang sa kamatayan nalang ang maghiwalay sakanilang dalawa.

Nangarap din kaming ikasal sa simbahan kasama ang mga taong mahal namin, kungsaan sa araw na 'yon ay kaya na kaming tanggapin ng mundo pero sinubok ng mga balakid at problema ang pangarap na 'yon.

Masarap mabuhay kasama ang taong mahal mo, sabay niyo haharapin ang lahat, kaligayahan man 'yan o hirap, sakit man 'yan o sarap. Ginawa ang salitang pangako upang panindigan ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap pero hindi lahat ng pangako ay natutupad, karamihan sa mga ito nawawasak. Pwede mong buuin pero madalas may mga taong iniiwan nalang ang mga bubog nito upang hindi na sila masaktan pa. Nagkawalay kami ni Bryle ng mahabang panahon, maraming nangyari, maraming nagbago sa mga buhay namin pero sa kabila ng aking paglayo ay nag-iwan ako ng isang pangako na hinding-hindi ko na muling babasagin pa, babalik ako.....babalikan ko si Bryle, at sa raw na 'yon ay hinding-hindi ko na siya iiwan pa.

How did this come to be
I dont know how you found me
But from the moment i saw you
Deep inside my heart i knew


Habang naglalakad ako sa aisle, muli kong nakita ang sarili ko na nakahiga sa isang makintab na entablado. Dito muling nagsimula ang kuwento namin ni Bryle, hindi ko inisip na binili niya ako no'n, inisip ko na iniligtas niya ako sa kapahamakan. Kung nagkataong wala siya noong gabing iyon ay baka kung sinu-sinong lalaki na ang gumamit sa'kin.

Kasalanan na mas pinatingkad ng galit na naghahangad ng kapatawaran, 'yan ang naging kahulugan ng muling pagsasama namin. Inasahan kong hindi na kami magiging tulad ng dati dahil sinaktan ko siya at ang taong nasaktan ayaw na muling masaktan muli. Dahil sa tindi ng galit niya sa'kin nagawa niya akong saktan at pahirapan. He did everything to hurt me, and to make me suffer for all the things I've done na sa tingin niya ay isang kasalanan.

Baby your my destiny
You and i were meant to be
With all my heart and soul
Ill give my love to have and hold
And as far as i can see
You were always meant to be
My destiny


Hindi ko na mabilang ang mga suntok at sampal na lumatay sa aking katawan. Sa unang pagkakataon naranasan kong matulog sa labas ng bahay, lunurin sa tubig, ikulong sa cabinet, at paulit-ulit na ibalibag na parang bola ng basketball. Hindi ko narin mabilang kung ilang beses niya na ako pinahiya gamit ang mga masasakit na salita na dumungis sa pagkatao ko. Sinong magiimagine na ikakadena ng isang lalaki ang asawa niya, hahatawin ng latigo, papasukan ng bote sa ari, uukitan ng maduming salita sa balat gamit ang blade at kukuryentihin. Ilang beses niya narin ba akong ginahasa ng paulit-ulit? Binaboy niya ako at ginawa niyang personal whore. Dinungisan niya ang pagkababae ko sa pinakamatindi at pinakamababang paraan na magagawa niya para lang maipamukha niya sa'kin kung gaano ako kasama at kaduming babae na dapat pandirihan ng mga lalaki. Bangungot ang lahat ng iyon para sa'kin. Nakamarka na ito sa isip ko at malabo nang makalimutan. Ang kaya ko nalang gawin ngayon ay palitan ito ng mga masasayang alaala.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now