CH.7 Drowned

6.8K 113 1
                                    

~•Passion and satisfaction go hand in hand, and without them, any happiness is only temporary, because there's nothing to make it last.•~

-Nicholas Sparks






*ANGELA'S POV*




Hinalo ko ang mainit na kape na inihanda ko para kay Bryle, inilagay ko ito sa dinning table kasama ng iba ko pang hinanda.

Naisip ko na siguradong masakit ang ulo niya dahil sa sobrang kalasingan kagabi. Mabuti ang mainit na kape para kahit papaano'y maibsan ang sakit. Kung kami pa hanggang ngayo'y siguradong papagalitan ko siya sa paglalasing niya.

Maaga talaga akong gumising para ipaghanda siya ng umagahan baka kasi hindi siya nakakain kagabi kaya siguradong gutom siya kapag gising niya.

Mga lalaki talaga basta alak, hindi paaawat.

Ganito rin ang ginagawa ko noong mga panahon na nagsasama pa kami although nandiyan si Manang Martha para magluto mas gusto parin ni Bryle na ako ang nagluluto para sakanya.

Minsan nga nagagalit pa ito kapag nalasahan niyang hindi ko luto ang kinakain niya, hindi ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko ang mga sandaling iyon.

"Wow! Ang bango naman niyan." hindi ko namalayan na nasa likod ko lang pala si Manang Martha.

"Bakit ang aga mo yatang nagluto?" tanong nito habang pinagmamasadan ang mga niluto ko.

"Gusto ko kasi ipagluto si Bryle. Nakakamiss din kasi yung dati. Yung gigising ka tuwing umaga para ipagluto siya ng breakfast." saglit akong ngumiti at nagpatuloy sa pagluluto.

"Natatandaan niyo no'n? kahit simpleng sunny side up lang basta ako ang nagluto tuwang-tuwa na yun."

Nakita kong umikot ang mga mata ni Manang. Halatang nagkaroon siya ng inis kay Bryle matapos ko ikuwento sakanya ang mga nangyari. Mula noong isalba ako ni Bryle sa Casa Del Valle nang gawin akong option ng mga sindikato hanggang sa gawin niya akong katulong dito sa bahay niya. Hindi ko man ikinuwento sakanya ang mga pananakit niya sa'kin, siya na mismo ang naka-batid nito dahil sa mga pasa at sugat na naka-pinta sa katawan ko.

Umiling nalang ako at hindi na kumibo pa. Siguro'y iniisip nito na sinasaktan na nga ako tapos ipinagluluto ko pa.

Haisssst! Anong magagawa ko kung hindi ko matiis, mahal ko eh.

"Maiwan muna kita, hija. Tatapusin ko lang ang linilinis ko." paalam ni Manang Martha.

"Hindi muna po ba kayo kakain!?"

"Naku, mamaya na."

Pagkatapos umalis ni Manang ay sakto namang bumaba si Bryle.

Nakabihis na 'to ng suit habang linuluwagan pa nito tie niya. Hindi ko maiwasang hindi tumitig sakanya.

Wala paring nagbago, gwapo padin siya.

Nag-iwas lang ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatitig sakanya. Pakiramdam ko'y biglang namula ang mukha ko.

Dumeretso ito sa lamesa at ininom ang inihanda kong kape.

Napansin ulit nito na nakatitig na naman ako sakanya kaya sinamaan niya na ako ng tingin, yumuko nalang ako at sandaling napangiti dahil mukhang nagustuhan niya ang tinimpla kong kape.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now