CH.17 Brown Out

5.6K 80 0
                                    

~•There's nothing certain in a man's life except this: That he must lose it.•~

-Aeschylus




*ANGELA'S POV*

Simula nang umalis ako sa library ay hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Feeling ko nanalo ako ng jackpot sa loto.

Ang saya-saya, ang sarap sa pakiramdam.

Yinakap ko ang sarili ko at pumikit, muli kong dinama ang mga sandaling kasama ko siya. Ang mahigpit niyang yakap, ang nakakaakit niyang amoy, at ang init ng kanyang katawan na tumatagos sa kaluluwa ko, lahat iyon ay hindi maalis-alis sa aking sistema.

Pakiramdam ko'y kasama ko parin siya. Hindi na ako makapaghintay na muling maulit ang mga sandaling iyon, mga sandali na nakakulong ako sa init ng mga yakap niya.

"Saan ka ba nagpunta kanina!?" tanong sa'kin ni Manang.

"Sa l-library po."

"Bakit ang tagal mo naman yata!?" sabi ko na nga ba at magtatanog siya.

Ilang oras din ang tinagal ko sa loob ng library at alam nito na kasama ko doon si Bryle kaya siguradong magtataka siya.

"Uhm........kasi po, ano....aah." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Dapat ko bang sabihin sakanya ang mga nangyari kanina!? Na hinalikan ako ni Bryle, yinakap at hinayaang matulog sa ibabaw niya.

Hindi ko alam kung maniniwala siya at kung maniwala man siya'y hindi ko alam kung ano ang iisipin niya.

Nakatingin siya sa'kin at naghihintay ng sagot.

Ano ba'ng sasabihin ko!?

"Natu-----" naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating si Bryle.

"Pinaglinis ko siya." napatingin kami ni Manang sakanya. "'di ba!?"

Binigyan niya ako ng matalim na tingin bago siya umupo. Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin niya.

"Aah....Oo, manang. Naglinis ako dun kanina." pagsisinungaling ko.

Hindi ako makatingin ng deretso kay manang dahil hindi ko naman talaga ugaling magsinungaling lalo na sakanya pero yun ang gusto ni Bryle kaya ginawa ko nalang.

"Ganun ba, sana tinawag mo 'ko para sana natulungan kita." Manang.

"Madali lang naman 'yon tiyaka busy kayo dito kanina kaya hindi ko na kayo inistorbo." ako.

"Aah, oo nga pala. O sha umupo na kayo nang makakain na tayo."

Binigay sa'kin ni Manang Martha ang mga plato at pagkatapos ay nagsandok siya ng kanin. Linigay ko naman ang mga plato sa lamesa, natigil ako nang mapunta ako sa tabi ni Bryle para ilagay ang plato sa harapan niya.

Nagbabasa siya ng diyaryo at hindi pinansin ang presensya ko. Akala ko matapos nang nangyari kanina ay magiging okay na ang pakikitungo niya sa'kin pero balik na naman siya sa pagiging boss mode niya.

Haiist!!! Teaser lang pala 'yon.

"Umupo ka na ija. Sabay-sabay na tayo kumain." sabi ni Manang Martha habang inilalagay ang bowl sa gitna ng lamesa.

Hinila ko naman ang upuan para umupo pero hindi pa man nahahawakan ng puwerta ko ang upuan nang biglang mamatay ang ilaw.

Lahat kami ay napatingin sa itaas.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon