CH.1 My Hero

14.7K 255 4
                                    

~•It hurts the worst when the person that made you feel so special yesterday, makes you feel so unwanted today.•~

-Anonymous





*ANGELA'S POV*




"I will get her for 1 million pesos!"








"1 and a half million just to get that woman!"








"Tsk. 2 million!"





Unti-unti kong minulat ang aking mata nang makarinig ako ng mga ingay na siyang naghatid sa'kin sa tunay na mundo, saglit akong napahawak sa aking sintido nang makaramdam ako ng pananakit ng ulo, sobrang sakit ng ulo ko sa hindi ko malamang dahilan. Ilang sandali pa't lumingon ako sa aking paligid.

Ganun na lamang ang aking pagka-bigla nang malaman ko kung nasaan ako. Biglang sumibol ang takot at kaba sa aking dibdib at alam ko na ilang saglit pa'y sasabayan na ito ng pag-agos ng aking mga luha.

Ano itong nangyayari?

Bakit ako nandito?

Nasaan ako?

Sunod-sunod na tanong ko sa aking isip.

Ngayon lang ako nakapunta sa silid na 'to pero sa tingin ko'y nasa loob parin ako ng Casa Del Valle kungsaan ako nag-apply ng trabaho. Napuno ng katanungan ang aking isip dahil sa pagkakaalam ko'y isa lamang itong casino pero sa nakikita ko ngayon para itong tagong bahay-aliwan.

Gulong gulo na ako, gulong-gulo na ang isip ko.

Hindi pa tapos ang mga problema ko tapos meron na namang panibago.

Ano na naman ba itong pinasok ko?

Isinilang ba ako upang saluhin ang lahat ng kamalasan dito sa mundo?

Tumingin ako sa aking paligid, wala akong ibang makita maliban sa mga taong nakapaligid sa'kin, mga taong lulong sa alak, sigarilyo at sugal, mga taong walang ibang ginawa kundi ang maglustay ng kanilang yaman.

Tinignan ko ang aking sarili, hindi pa ganito ang suot ko kanina pero ano 'to? Bakit ganito ang suot ko? Suot ko ang isang manipis na damit at maikling short na halos iluwa ang kaluluwa ko.

At dahil dito'y sari-saring mata ang siyang dumadaan mula sa'kin, mga tingin na may kasamang pagnanasa.

Gustuhin ko mang tumakbo at tumakas ngunit hindi ko magawa, hawak ako ng dalawang lalaki na may malaking pangangatawan.

"'Yan lang ba ang kaya niyo, 10 million pesos just to put her inside my brief!" napatawa ang lahat sa turan ng isang matandang lalaki.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now