CH.15 Neighbor

5.5K 99 0
                                    

~•It's so hard when I have to, and so easy when I want to.•~

-Annie Gottlier



*XAVIER POV*

Nasa labas ako ng Veranda,tinatanaw ang paglubog ng araw mula sa malayo.

Malapit na ang kaarawan ko pero hindi 'yon ang nasa isip ko ngayon.

Bagay na hindi masyadong mahalaga pero hindi ako pinatatahimik.

(Flashback)

Lumabas ako ng bahay para magpahangin at hindi ko inaasahang makakakita ako ng isang eksena na sa teleserye ko lang nakikita.

Mukhang exciting 'to, nagdala sana ako ng drinks at popcorn.

"Bryle, papasukin mo 'ko." pagmamakaawa nang isang babae na nakahawak ng mahigpit sa gate.

Napatingin ako dun sa babae.

Parang pamilyar siya sa'kin.

Tinignan ko nang mabuti ang mukha niya.

Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga 'yon. Siya yung babae na nanipa sa junjun ko kanina.

I can't help myself not to smile devilishly when I see that woman for the second time and in a unexpected way.

What a small world.

Nagpapakahirap pa akong isipin kung saan at kailan ko ulit siya makikita pero nandidito lang pala siya sa malapit.And take note, she's my neighbor.

"Para saan!? Para mag-buhay reyna ka sa pamamahay ko."

"Bryle, Please! Papasukin mo na 'ko. Hindi na mauulit, ipagluluto na kita palagi."

"Dapat lang kasi KATULONG KITA!!! pero sa ngayon, diyan ka muna matulog. Parusa mo 'yan!"

Hindi pinakinggan ng lalaki ang pagmamakaawa niya. Ngayon lang ako nakakita ng amazonang umiiyak at nagmamakaawa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa?

Hindi ganyan ang babaeng nakasagupa ko kanina.

Matapang ito at may pagka-sadista pero ano 'to?

Bakit siya umiiyak at nagmamakaawa?

Bakit hindi siya lumalaban?

Bigla tuloy akong nanibago.Kanina lang ang tapang-tapang niya, binayagan niya pa nga ako e.Ang sakit kaya nun.

Napansin ko na naka-suot ito ng maid dress. Bagay na pinagtataka ko.

Hindi siya mukhang katulong nang una ko siyang makita actually maganda siya at inaamin ko na hindi ko maiwasang tumitig sakanya habang nasa likod niya ako.

Hindi na'ko magtataka kung bakit napagkamalan niya akong manyakis. Gusto ko lang naman sana makipagkilala sakanya pero bigla akong naduwag.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi siya katulad ng ibang babae na nakukuha ko nang basta-basta.

Iba siya at hindi gumana sakanya ang expertise ko sa mga babae.

Sa tingin ko'y nakahanap na'ko ng katapat ko.

Nang umalis ang lalaki ay lumapit sakanya ang isang matandang maid.

Humahagugol na ang mga ito sa iyak.

Nag-usap lang ito saglit pero pagkaraa'y siya na lamang ang lumayo, parang ayaw kasi siyang bitiwan ng matanda.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero nanatili akong nasa labas ng bahay ko.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now