Kabanata 26: Olats

Start from the beginning
                                    

Kailangan kong mag-focus. Kailangan naming manalo rito. Kailangan ng matigil ang kahibangan ko.

Sinimulan ko na ang pag gitara ko.

Muling nagpalakpakan ang mga tao at hindi ko napigilan na mapangiti. Ang sarap sa pakiramdam na may nakaka-appreciate ng talent mo. Ang tagal ko na kasing hinahanap 'yon sa pagsusulat ko pero hanggan ngayon ay iilang tao lang ang nagagandahan sa mga isinulat ko.

Buong puso ang pagkanta namin ni Scion. Siya humuhugot kay Weiming pero ako humuhugot sa kanya.

Nagkatinginan ulit kaming dalawa pagkadating sa Chorus.

"Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"

Tinuloy ko ang pag gitara at pagkanta pero biglang natigilan si Scion. Natulala siya at nakatingin siya sa malayo.

Sinubukan kong tignan kung kanino siya nakatingin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jasmine, ang babaeng kamukhang kamukha ni... Weiming.

Anong ginagawa niya rito?

"Nandito siya..." sambit ni Scion.

Naghihintay ang lahat sa pagkanta niya pero halos hindi siya makagalaw sa kinakauupuan niya.

Itinuloy ko na lang ang kanta.

Akala ko magiging maayos ang lahat pero dahan-dahang tumayo si Scion at bumaba ng stage. Naglakad siya papunta sa kinakatayuan ni Jasmine.

Nakatingin sa kanya ang mga tao.

Nagulat ang lahat nang bigla niyang yakapin si Jasmine.

Ito na naman.. ang daming karayom na naman ang tumutusok sa puso ko. Ang sakit. Masakit pa 'to kesa nang makita ko si Liam na nagtaksil sa akin. Pero hindi siguro dahil 'to sa pagyakap ni Scion sa babaeng 'yon. Dahil ito sa kahihiyan na ibinigay niya sa akin at dahil sa pangalawang pagkakataon ay naiwan ako sa ere para sa iba.

Nagbubulungan na ang mga tao at para makadagdag pa sa kahihiyan ko ay nakita ko si Liam at Tyra na nakatingin din kala Scion.

Tawang bruha 'tong lintang babae na 'to. Tuwang-tuwa siguro sila sa nakikita nila.

Sumigw si Jasmine at itinulak niya palayo si Scion. "Anong ginagawa mo? Ayos ka lang ba?" Irita niyang sabi.

"Prinsesa, ako ito. Hindi mo na ba ako maalala?"

Para siyang tanga. Hindi. Tanga talaga siya dahil hindi naman si Weiming ang nasa harapan niya.

"What the hell are you talking about?"

Magpupumilit pa sanang lumapit sa kanya si Scion pero hinarangan na siya ng mga bouncer. Lumapit na si Cooper sa kanya para ilayo siya.

Nagpasya na rin akong dalhin nag gitara ko at umalis. Minsan na nga lang ako maging masaya sa isang bagay tapos kukunin naman agad.

Sinundan ko sila Cooper sa labas.

Ayaw pa rin magpaawat ni Scion pero dalawa ang humahawak sa kanya. Kinakalma ko ang sarili ko dahil ayokong magalit pero talagang nanginginig ang buong katawan ko.

Nangako pa siyang mananalo kami pero ano ba 'tong ginawa niya? Wala man lang kaming naging laban.

"Anong kalokohan 'yon?" Nagtaas na ako ng boses. Hindi ko 'yon mapipigilan. Ang laking kahihiyan ang ginawa niya kanina.

"Nandito si Weiming!" Sigaw niya.

"Hindi siya si Weiming! Siya lang ang pinag gayahan ko sa mukha ni Weiming pero hindi siya ang Prinsesa, naiintindihan mo ba?"

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now