Kabanata 25: Nalilito

Start from the beginning
                                    

Umiling ako at ibinigay ko sa kanya ang natitira kong pagkain.

"Pakiramdam ko busog pa ako kaya ikaw na lang ang kumain niyan. Alam ko naman na paborito mo 'yan."

Tinignan lang ako ni Cooper at hindi niya ginagalaw ang pagkain na ibinigay ko sa kanya. Sa mga tingin niya ay alam ko nan nag-aalala siya.

"Pwede bang sa akin na lang?" Pareho kaming napatingin kay Scion. "Gutom pa ako, e."

Sa dami ng kinain niya ay hindi pa rin talaga siya nabubusog? May halimaw ata sa loob ng tiyan niya.

Sa munod nila ay hindi siya malakas kumain. Ayaw niya kasing pumangit ang katawan niya. Isa kasi sa katangian na gusto ni Weiming ay ang may matipunong pangangatawan. Teka, ang arte niya pala sa part na 'yon.

Lumapit muli sa akin si Cooper.

"Ano na ang plano mo para matapos ang lahat ng ito?" Bulong niya.

Napabuntong hininga ako, sa totoo lang kasi ay hindi ko talaga alam kung ano ba ang tamang gawin para matapos na ang problema ko. Lalo na ngayon na wala na sa akin ang libro ng Polaris.

"Asan na ang libro na nakuha mo sa Baguio? Siya lang ang magiging susi para matapos na 'tong kababalaghan na ito."

Hindi kami pinapansin ni Scion dahil busy siya sa pag-ubos ng takoyaki. Umorder pa siya ng isa pang plato. Buti na lang at may extra pa akong pera.

"Iyon ang problema, nawawala ito at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin."

Kumunot ang noo niya, "baka naman nandoon siya sa lugar kung saan mo siya nakuha, sa Baguio."

"Naisip ko na 'yan kaya nga sumali kami sa contest para may pamasahe at pang gastos kami papunta doon."

Idagdag mo pa ang ipangbabayad ni Scion kay auntie buwan-buwan. Pagkatapos ng contest na ito ay kailangan niyang maghanap ng trabaho kung sakaling hindi pa rin namin nahahanap ang libro.

"Hindi ba sabi ni Kuya Sanchi kapag gusto mong bumalik sa Baguio ay tawagan mo lang siya. Baka naman pwede kang humingi ng tulong sa kanya."

"Sinubukan ko na 'yan pero wala siya sa kanila. Mas madali nga sana ang lahat kung nakausap ko lang siya."

Asan nga kaya siya? Hindi niya rin sinasagot ang nga tawag at text ko. Ayos lang kaya siya?

"Sabihan mo ako kung kailan kayo pupunta sa Baguio dahil sasama ako. Hindi ako mapapanatag dito sa Maynila gayong alam ko na pwede kang mapahamak doon."

Niyakap ko siya. Kahit na naging walang kwenta akong kaibigan sa kanya ng mga nagdaang araw ay hindi pa rin siya nagbabago sa akin. Masaya ako na naiintindihan na niya ako ngayon at meron na akong pwedeng pagsabihan ng mga problema ko.

Naubo nang malakas si Scion, mukhang nabulunan pa ata. Tumayo agad si Cooper para itulak ang tiyan at nang lumabas ang nakabara sa lalamunan niya.

"Ayos ka lang ba, pre?"

Umubo-ubo pa siya bago siya tumayo, "Captain, iyan ang itawag mo sa akin."

Seryoso ba siya sa mga inaasal niya? Hindi man lang siya nagpasalamat at tinarayan pa niya talaga, ha. May problema ba siya kay Cooper?

Pambihira talaga 'tong lalaki na 'to. Minsan mabait pero minsan hindi mo maipinta.

Sinundan na lang namin siya sa labas.

"Pasensya ka na sa kanya," bulong ko kay Cooper. "Minsan talaga wala siya sa hulog."

"Alam mo minsan nakikita ko sa kanya si Liam," natigilan ako sa sinabi niya.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now