M: Not much Daddy.. something light. Maybe a bowl of muesli with some fruits. I noticed pag nag heavy meals ako dun ako nasusuka after eh. Advise ni doktora small, light and frequent meals lang. oh and ice cream!
R: Mommy and aga naman yata ng ice cream.
M: I'll eat it naman after my muesli. Sige naaa.. avocado plain lang. Baby wants it.
R: Hay hindi na talaga ako nanalo sa inyong mag ina. Alright, you're the boss! But maayos na breakfast first ha before the ice cream.
M: Yes po Sir! *laughs*
R: *chuckles* Tigilan mo na nga ako ng kaka Sir mo nyan! * hugs and kisses M while still in bed* I love you Mommy.. *kisses M's tummy* good morning baby! Daddy loves you. Dito muna kayo ni Mommy ha, Daddy's gonna get breakfast.
~~ In the kitchen ~~
R: *calling TD* Tatay Good Morning po! Pasensya na po sa abala.
TD: O RJ napatawag ka! May problema ba kay Menggay natin?
R: Naku wala po Tay, ayos lang naman po sila. Pero tungkol kay Menggay din po ang tawag ko.
TD: Ano ba yun anak? Sabihin nyo kay Tatay sige baka may maitulong ako.
R: Salamat po Tay. Kasi po si Meng gustong pumunta ng Home Depot mamaya. Naisip nalang daw nya paggising nya kanina. Gusto daw po nyang sumilip ng mga tiles and fixtures para sa pinapagawang bahay.
TD: Ah ganun ba. Maigi nga yun at yung mga gusto nya ang ilalagay dun. Alam mo naman yang anak kong yan. Pag naisipan nya gagawin nya.
R: Yun nga po kaso hindi ko po masasamahan mamaya. May natanguan na po kasi din akong commitment mamayang hapon. Tinawagan ko si Daddy kanina para siya nalang sana pasamahin ko pero may PTA meeting sa school si Angel. Si Nanay din po yata hindi pwede may meeting din daw sa Shell. Malungkot na po yung asawa ko Tay eh. Sabi ko cancel ko nalang yung ganap ko ayaw naman pumayag, nakakahiya daw po din kasi kay Dra. Belo.
TD: Ah yun pala yung nasabi ng Nanay kanina. Di ko naman maintindihan kung ano. Yun pala yun. Eh di ako nalang ang sasama mamaya. Wala naman akong lakad masyado. Balak ko lang pa check and change oil yung Mustang sa casa ngayong umaga tapos wala na. Ako nalang sasama kamo.
R: Talaga po Tay? Naku maraming maraming salamat po! Matutuwa tiyak yun. Nakasimangot na po kanina. Buong akala di sya matutuloy ngayon.
TD: Naku wag mong hahayaang laging nakasimangot at baka paglabas ng apo nakasimangot din! Ay nalintikan na!
R: *laughs* Wag po kayo mag alala Tay, hindi ko po hahayaan laging nakasimangot yun. Lagi ko nga yun pinapa smile. Kung anong gusto sinusunod ko. Boss ko yun! Commander talaga!
TD: Oh di ba anong sabi ko sayo noong araw ng kasal nyo? Basta sunod ka lang. Happy wife, happy life! Alam na alam din ni balae yan! Hahaha! Tingnan mo kami ni Nanay nyo tahimik ang buhay. Oo lang ako ng oo, eh di walang gulo. Yan ang sikreto Richard! Si boss ang laging masusunod! *laughs*
R: *laughs*. Maaga kong natutunan yan Tay, salamat sa inyo ni Daddy at ni Kuya John! Tahimik nga ang buhay! Hahaha!
TD: Ganyan lang lagi para masaya ang buhay mag asawa. O sige paano, san ko puntahan asawa mo mamaya? San ba sya? Sa barangay?
R: Hindi po sya barangay ngayon. Sa APT studio po kami.
TD: Ah ganun ba. Eh di dun ko nalang sya sunduin pagtapos ng Eat Bulaga. May mga bibilhin ba? Yung Mustang kasi ang dala ko after ko pa check yun. Para di na ko babalik ng Bulacan para kunin yung pick up truck.
R: Wala naman po siguro pang mga bibilhin. mag check palang naman daw siya. Kung meron man pa deliver nalang natin. Wag na kayong bumalik ng Bulacan Tay, maabala pa kayo.
Boss
Magsimula sa umpisa
