[Epilogue] Goodbye 3W8L. :(

Start from the beginning
                                    


Nasa atin kung paano ba tayo gagawa ng happy ending, dahil lahat ng ending pwedeng maging malungkot pero pwede din namang maging masaya.




Kanya kanyang POV's.



Kanya kanyang tingin sa buhay.



Negative ba. Positive ba. Nasasaatin yun. 


Tayo lang ang makakapagdikta ng happiness natin.




Happiness is not a choice, it's our decision.




Tamang paniniwala at pagtitiwala. 


Noong iniwan ako ni Kean, hindi pa pala nagsasara ang libro namin doon. Nagtapos lang ang isang kabanata sa buhay namin.




Kaya maling magconclude na.. Wala namang happy ending. Dahil naniniwala ako, na lahat meron.


Kapag naniwala ka lang na magkakaroon ka ng happy ending.. Magkakaroon ka talaga.




Dati, noong nawala si Kean, sabi ko.. Ganito naman ang buhay. Hindi masaya. Walang nagiging masaya.




Pero destiny proved me wrong..



Kung lahat tayo mag-iisip na lahat may happy ending alam kong magkakatotoo yun.



Hindi lang sa amin ni Kean.. Kahit sa simpleng paraan.. Lahat may happy ending!


Hindi man kasing bongga ng naging ending sa buhay ko, sabi ko nga, nasasainyo yan kung paano niyo titingnan ang magiging ending ng buhay niyo.




Hindi niyo naman kailangan ng palasyo, o ng malaking kaharian para maging prinsesa.


Kailangan niyo lang ng mga taong..




Ipaparamdam na isa kang reyna. 


At ito ang lagi niyong tandaan, kung hindi ka pa masaya, gawin mo ang lahat, kasi kung hindi ka pa masaya hindi pa yan ang ending =) 



Malay mo, nagsara lang ang isang kabanata..



At may bagong kabanatang mabubuksan na sa una siguro masasaktan ka, susubukin ka, pero lahat ng yun.. Worth it sa huli.


[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Where stories live. Discover now