Chapter 49

Cassandra's POV


Nandito ang buong barkada ngayon kina Chanel. Nalaman namin ang lahat ng nangyari. Paano? Binroadcast kasi yung pagkanta ni Chanel! Siya yung nanalo sa contest sa event sa MOA.

Hindi namin maintindihan si Chanel. Tulala siya, pero maya maya ngumingiti naman. Pakiramdam ko, pati siya hindi na niya alam yung mararamdaman niya.

Pinipilit niyang tumawa pero sa totoo lang nasasaktan siya.

"Bes!"

"Cass."

"Wag ka ng ganyan. Balikan mo na lang si Kean."

Nagulat ang lahat sa sinabi ko.

"Aba bakit?! Ano pa bang solusyon dito? Ang walang sawang pagmomoveon?! Paulit ulit na lang magbabagong buhay?! Tapos pag nasaktan.. Bagong buhay ulit? Eh ilang buhay ba meron tayo?! Chanel, tama na pagpapakatanga. Hindi habang buhay masasaktan ka."

"Cassandra hindi mo naiintindihan--"

"Alin ba ang hindi ko naiintindihan dito?? Maliwanag pa sa buwan sa akin ang lahat! Bes. Obvious namang mahal mo, at halata namang mahal ka niya. Oh eh bakit kailangan gawing kumplilado pa lahat."

"Kasi pagod na akong masaktan! Lahat na lang ng mamahalin ko iniiwan ako!"

"KASI MALING LALAKI ANG MINAMAHAL MO! Si Dylan at si CK. Hindi sila ang para sayo! Pero si Kean.. Iniwan ka. Pero bumalik siya diba?!"

Alam ko ang lahat ng nangyari, kasi kinuwento ni Chanel. Sa aming barkada. Right din namin malaman yung nangyari para alam namin ang pinaghuhugutan ni Chanel.

"And to think, nawala ba siya sayo Chanel?"

Natahimik lang siya. Lagi namang nakabantay si Kean ah. Saan ka ba makakahanap ng ganyang lalaki? Na hindi ka susukuan? Kahit si Yael nga hindi kayang gawin yun. Pero si Kean?

Kaya hinding hindi ako uupo dito at makikinig sa pagiyak iyak nitong si Chanel. Si Kean ay isang lalaki na hindi na dapat pakawalan.

"Ano ha Chanel?"

"Ayoko na siyang balikan!"

"WAG KA NG PAKIPOT! Yung totoo kasi!"

"Ayoko na nga!"

"Talaga?! Kahit nakita mo siyang may kasamang iba hindi ka masasaktan? Hindi ka magsisisi?"

"Hindi.. Hindi gagawin ni Kean yun."

"At bakit? Ikaw nga nagmomoveon, ano namang tingin mo ka yKean, magpapaiwan? Maiiwang umiiyak sayo."

"Pero.."

"Pero walang mangyayari Chanel Courtney Clemente Chua kung nakaupo ka lang diyan! At magpapakatanga at magpapakamartyr habang ang totoo naman ay gusto mo pa siyang balikan!"

Whooo! Kaloka! Nauubos ang energy ko dito kina Chanel. Bigla na lang akong minasahe ni Yael.

:"""> Eyy. Full Charge na ulit! =)

"Pero, wala na akong magagawa. Hindi ko alam kung nasaan si Kean. Andami kong nasabing masasakit na salita sakanya. Tapos.. Hindi ko alam kung babalikan pa niya ako. Ewan ko! Naguguluhan na ako!"

Ano?! May sinabi siyang hurtful words?!

"Bakit? Ano bang mga sinabi mo?"

"Sabi ko.. Hindi ko na siya mahal! Sabi ko.. Ayoko na. Wala na. Tapos na kami."

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!