CHAPTER 34

ELLE'S POV


6PM October 14.


Nandito ako ngayon. Papunta sa school. Specifically sa garden. Ganitong oras puro varsity na lang ang nasa school. Konti na lang ang tao. Dumeretso ako sa Garden.

(Now Playing: Parting Time by Erik Santos)


"Elle!!!"

Nakita ko yung mata niya kumislap noong makita ako. Agad agad niyakap niya ako. Mahigpit. Yung tipong ayaw na niya akong pakawalan. 

"Elle!! Akala ko hindi ka na pupunta! Akala ko siya ang pipiliin mo. Akala ko.. Hindi ako. Akala ko.."

Tapos tumingin siya sa akin at niyakap ako.

"Akala ko iiwan mo na ako."

Habang nakayakap, nakatingin ako sa paligid.

Dahil garden..

May picnic na nakalatag. Sa cloth may bouquet. Pink Roses. Tapos sa gilid may gitara. At may malaking nalaking teddy bear na nakasuot ng Happy Birthday. Sa gitna.. May malaking heart na may chocolates. Sa paligid.. Andaming scented candles. Pati yung mga puno may mga christmas light. 

Naiyak ako.

Naiyak ako.

Tama ba to?

"Elle??"

Umalis siya sa yakap. Tumingin sa akin. Unti unti nagbago ang expression ng mukha niya. Pinunasan ang luha ko. Tapos ngumiti.

"Wag kang umiyak please. Wag."

Pero patuloy pa din ang pagiyak ko. Unti unti.. Nakikita ko. Na unti unti naiintindihan niya ang dahilan ng pagiyak ko. 

"Elle. Stop. Please."

Tapos niyakap na niya ako. Ramdam ko may biglang pumatak na luha sa shoulders ko. Ang higpit ng yakap niya. Parang sinasabing.. Wag ko siyang pakawalan. Na dito na lang ako.

"Elle!! Elle! Elle!" 

Nakayakap lang siya sa akin. Umiiyak si Yohann. Sorry. May pinaiyak na naman ako.

"Elle. Ako naman ang pinili mo db? Dito ka naman pumunta diba? Ako yung pinili mo! Wag ka ng umiyak please! Kinakabahan ako!! Tara? Kain na tayo??"

Tapos hinihila niya ako papunta sa picnic na hinanda niya pero hindi ako gumagalaw at umiiyak lang ako.

"Elle!! Tara na please. Elle!!"

Kita ko. Kita kong umiiyak siya. Sa harapan ko.

Biglang bumalik sa alaala ko kung paano umiyak si Kean dati.. Sa yacht. Noong nagpropose siya. Parehas na parehas. Ang pagiyak ni Yohann. At ang pagiyak ni Kean.

Bigla ko siyang niyakap. Ayoko ng makita yung ganito. Yung may umiiyak. Nasasaktan ako.

"Sorry Yohann. Sorry."

Tapos niyakap na niya na naman ako. Tuloy tuloy na ang patak ng luha na nararamdaman ko sa balikat ko.

"Elle!! Bakit? Anong sorry? Ibig sabihin?"

Kumalas siya sa yakap. Nakahawak sa balikat ko.

"Siya ang pinipili ko."

Tinitigan lang niya ako. Tapos..

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!