CHAPTER 45

PART 2

CHANEL'S POV

Umalis ako. Pagod na ako. Sa ganito. Gusto ko ng sumaya. Gusto ko na ulit sumaya.

Noong sumunod na araw, patuloy pa rin sa panunuyo si Kean. Hindi niya ako nilulubayan. Minsan kelangan ko pa talagang tumakas para maiwan siya.

Nakakasakal na siya.

Iritang irita na nga ako sa presensya niya tapos ganoon pa siya?

Buti ngayon.. Umabsent siya.

Trixia: Hindi ko talaga maintindihan si Elle.

Aya: Chanel.. Hindi Elle.

Trixia: Whatever.

Anne: Oh eh bakit naman hindi mo siya maintindihan?!

Trixia: Halur?! Tao pa ba yun?! Kilala mo si Kean dibuh?

Anne: Sino bang hindi nakakakilala kay Kean slash Yohann?!

Trixia: EXACTLY!! Heartrob yung lalaking yun kasi ng umulan ng kgwapuhan nagdala siya ng timba..

Aya: Ano konek kay Chanel?

Trixia: Naman.. Wala ng isloslow pa?! Tatalunin ang pagong??

Anne: Ewan ko sayo Trixia!

Trixia: Natural.. Kung ako yung hahabulin ng lalaking yun aba.. Eh. Gora na ako! Pero, itong si Chanel.. Parang naiinis pa. Ano bang problema?

Aya and Anne: Ewan ko! Tara na nga! Wag mo pakialam buhay ng iba! Pakialaman mo yung iyo! Tara na! Pupunta pa tayo sa meet up ni JM.

Meetup ni JM? :/ Hmmm.. Naalala ko tuloy agad si JM Tan.

Haaaay.

"Ano ba naman yung mga yun.. Oo. Sino nga bang magdedeny pa at tatanggi kay Kean? Ako lang ba? :| Bakit? Kasi.. Iniwan niya ako. Pinaniwala lang naman niya akong patay siya. Pinilit ko ang sarili ko nakalimutan siya. Halos patayin ko ang sarili ko kakaiyak sakanya.. Tapos sa isang araw lang.. Babalik siya. Na parang walang nangyari?! At kung hindi ko pa malalaman at pupuntahan ang bahay niya.. Hindi ko pa malalaman na ako pala'y pinaglalaruan niya?!

Kahit gwapo siya, gago naman siya.

Who wants a jerk?! A hot one.

Not me. :|"

"Talaga? Ganun yung tingin mo sa akin."

O____O!!

Ohmygosh! He's freaking crazy! Ngulat ako sakanya!

Ano bang--Bakit ba pasulpot sulpot ito?!

"Courtney.. Alam kong gago ako. Sobra."

"Alam mo naman pala.. E di itigil mo na. Umalis ka na--"

"--Pero hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko napapatunayan sa iyo na.. Nawala lang ako. Pero hindi naman ako tumigil na mahalin ka. Hinding hindi."

Ngayon pa? Ngayon pa ba ako maniniwala sakanya?! Sa kabilang lahat ng ginawa niya?! Hindi na. Hindig hindi na.

"Hanggang ngayon. Hindi ko pa rin alam kung saan ka galing. Kung bakit at paano ka nawala. Nasaan ka noong kailangan kita?! Nasaan ka?!"

Hindi ko na mapigilang maiyak.

Umiyak na naman ako sa harapan niya. Pagod na pagod na ako. Ang sakit sakit eh.

Niyakap niya lang ako. Hindi katulad ng yakap niya sa akin sa mga nagdaan na araw.

Ngayon.. Ang warm.

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!