Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)

3W8L Book 2 is divided into two parts, so there are two books under Summit Pop Fiction! <3 

CHAPTER 3

Calvin's POV

From: Elle-Em-En-Oh-Pi! ^____^V

Ya! Odiseyo? Joogoolae?! Come back. Pali! Palika!

Patay! Galit na sa akin ang mahal na prinsesa! :O

"Manager. I have to go. Elle texted me. Galit na. Bye!"

"Ganun? Okay sige. Bye CK!"

"Bye Manager!"

Kala niyo magkasama kami ano? Hindi eh. Nasa Korea pa rin sila. Nagpropromote pa rin ng songs. Andito lang ako sa bahay namin at binisita ko si Chloe. Kasama din namin siya sa Korea. Pero nauna siya umuwi sa Pilipinas ngayong summer dahil miss na daw niya Mom and Dad namin. Pero sabi nung yaya namin wala daw kasi nasa friends daw niya. Akala ko naman maabutan ko kapatid ko. Miss na miss ko na yun eh.

Pero as I said. Umuwi lang muna kami ngayon ni Elle sa Philippines. Sinamahan ko muna si Elle.

Kung alam niyo lang, kung gaano siya kadepressed. Nagbago siya. Sobrang laki ng pinagbago niya. Sobrang brat niya. Kung anong gusto niya yun ang masusunod. Inintindi na lang namin siya. Alam namin na sobra sobra ang pinagdadaanan niya. She became a party girl. Ayaw naman paawat. Araw araw nagcluclub. Kahit sa Korea. Ako lang nakakaawat diyan. Sa akin lang siya nagoopen. Sa akin lang siya hindi nagbago. Kasi noong nawala si Kean. Palagi akong nandiyan para sakanya. Ayaw ko siyang iwanan. Kasi baka hindi na niya kayanin.

Sa Korea kilala siya sa bad attitudes niya. Pero kahit ganoon, marami pa rin siyang fans. Dahil magaling talaga siya. Magaling siya magmodel, magsayaw pati kumanta. Kaya niya yun. Pero yun nga, brat siya. kaya may mga producers na ayaw siyang kunin sa casting. Pero kapag kukunin nila ako, kailangan kasama ko si Elle. Hindi pwedeng hindi.

Kailangan niya ng trabaho para madistract siya. Because I know, she's happy with her career now. And yun na lang ang nakakapagdistract sakanya sa lahat ng mga bagay na ito. Pati ang ICL tinatarayan niya. Pati kay Manager hindi siya nakikinig. Ako ang nageexplain sa lahat ng tao na ganoon talaga siya. Na ganoon ang ugali niya.

Ako palagi ang nagsasave sakanya sa mga troubles na ginagawa niya sa club. Lalo na sa death threats ng mga girls na fiancee ng mga nagiging 'boys' niya. Andami ng away na pinasukan ni Elle. At ako rin gumagamot.

Magiging doktor na ako! ^___^V

Tinawagan ko na si Elle. Pero hindi siya sumasagot. Nagaalala na ako. Baka naman nasangkot na na naman siya sa gulo. Kaya tinawagan ko na si Tita. Yung mama niya.

"Tita si Elle po?"

"Nasa mall. Sinama nina Cassandra."

"Mall? Osige po puntahan ko na lang po siya."

"Sige iho. Maraming salamat talaga sa pagbabantay mo sa anak ko. Hindi ko alam kung ano pwedeng mangyari sakanya kung wala ka sa tabi niya."

"Tita naman. Wala po yun. Mahalaga po sakin si Elle. And I won't let any bad thing happen to her. So tita puntahan ko na po siya. Bye po."

"Bye."

Tapos dali dali akong nagmadali papunta sa mall. Pakiramdam ko kasi may ginagawa na naman siya eh. Pagkarating ko sa mall, hindi ko alam kung saan ko sisimulan hanapin si Elle pero.. Mukhang alam ko na.

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!