CHAPTER 17

ELLE'S POV

Lumipas na ang isang linggo. Pumapasok na si Dylan. Ako nagluluto sa breakfast niya, ako naglalaba at namlamlantsa ng damit niya, minsan ako pa nagawa ng paperworks niya.



Hindi lang ako yaya, muchacha, ina na din, kapatid, syota, asawa, alila, chimay, longkatuts at kung ano ano pa.



Ang hindi niya alam naayos na ni Mama ang form ko at kinakausap na niya ang school para pumasok na din ako. May uniform na nga ako. Nakakamiss naman ito.



Nagkita kami ni Mama, kahapon. Sunday. Nagshopping. Bonding. Bili ng bag and gamit sa school. Nakakamiss. Bumili din ng bagong damit. Sabi nga niya gusto daw niya makilala si Dylan. Pero.. Kahapon may kailangan siya puntahan. Umuwi kasi siya galing Cali papunta Manila para ayusin papers ko for school and now she has to go back.

Monday ngayon. Tulog pa ang hari. Samantalang ako ito at nakauniform na at ayos na ayos na. May malaking pink na headband na sa ulo ko at ang bango bango ko na.

Kaya wala akong karapatang magluto ngayon.. Kaya..

"YO WASAP ALITAPTAP NA KUMIKISLAP SA ALAPAP YEAH BREAK IT DOWN!! GOOD MORNIIIIING PRINSIPE AT PRINSESA NA NOONG NAGPASABOG SI LORD NG KAGANDAHAN EH SINALONG NIYONG LAHAT!!! GUMISING NA KAYO DIYAN! In five minutes tatahol na ang mga aso!!! GISIIIIIIIING!!!"

Ang mga kapitbahay? Sanay na sila kay Ate Ising. Sikat kya yan sa lugar namin! Ms. Friendly yan eh!!


Lumabas si Dylan galing sa kwarto niya. Gulo gulo pa buhok at nakapangtulog.

"Ay juskoooooo. Ihooo konting tago ng tiyan mo nangangati na ang kamay ko. Mamaya mananching na ako!"

Yung shirt kasi ni Dylan kita yung tiyan niya. Siguro dahil sa likot niya matulog.


Bumaba siya ng hagdan. Para siyang nagsleesleepwalking! Tulog pa ata ito. Umupo siya sa dining table katabi ko at naubob.

Tapos biglang..

Siya: O______O!!! Yaaah! Bakit ka-- Bakit ka-- Anong gimik to?! Bakit ka nakauniform?!?


Natawa na lang ako. Kanina lang aantok antok siya ngayon ang laki ng mata dahil nakauniform ako.

"Bakit? Masama?"


"Oo! Masama! Kasi ganan uniform ng mga babae sa amin!"


"Saan ba pinakamalpit na school?! Diba sabi mo mag-aral ako?! Atsaka alam lo namang namimiss mo ako palagi kaya palagi kang maagang umuwi."

Tapos balik sa Dylan stage na naman siya.

"~~. Bakit ba ang feelingera mo?"

"ANO?!--"

Handa na sana akong hilahin ang mga buhok niya sa paa ng biglang ihain ni Ate ang almusal. Napanganga kami ni Dylan.

Parang ang sarap.

"Ayan. Sige kain lang. Kain parang ma asong kinawawa at inalipusta. Mga bibeng itinakwil ng ina, mga isdang binomba, mga punong pinutol--"

"Ate. Wala ng kwenta speech mo! Pakainin mo na lang kami."



Tapos ayun nga. Unahan kami ni Dylan kumain doon sa hinanda ni Ate. Ang sarap grabe!!

"Aba dahan dahan naman! Wag niyo ako masyado pisatin."

Ako and Dylan: *napatigil sa pagkain at napatingin kay Ate* Huh?!


Ate: IFLATter. Ano ba. Sino bang estudyante sa atin?! Mga to! Hoy ikaw Dylan! Wag mo iiwanan yang si Elle ha! Samahan mo sa bawat class niya! Ikaw naman Elle. Wag kang makipaglandian sa iba agad. Pakipot teh! Pakipot! Sayang ang fez. Kelangan ivalue.

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!