CHAPTER 7
Chanel's POV


Nagising ako. Maaga na. Ewan ko. Pero ang sarap ng pakiramdam ko.

Siguro dahil sa ang sarap ng simoy ng hangin dito sa probinsya. At kahit medyo matigas ang tinulugan ko, alam kong pinaghirapan yun ni Lolo Tom para sa akin.

"Lolo. Lola. Good Morning."

"Oh. Magandang umaga anak."

At bukod sa lahat ang sweet nila sa akin na parang pamilya na nila ako. Sunday ngayon, sarado ang restaurant. Magsisimba daw kami. Ang tagal tagal tagal ko ng hindi nakakasimba. Nakakahiya mang aminin. Naghahanap ako ng damit. -________-" Pero lahat ata ng damit ko matingkad. Tss.

"Ano ba. Ingay mo ah."


"Ay sorry Patrick wala kasi ako mahanap na sunday dress eh."


"Psh. Problema mo na yun."

At hanggang ngayon nagsusungit pa rin sa akin itong patrick na ito! Pinapakita ko lang na mabait ako. PERO GUSTO KO NA RIN SIYANG SUNGITAN! Kaso nahihiya ako kina Lolo at Lola eh!

"Baka naman gusto mo akong tulungan?!"


" ~___^+ At anong gusto mong gawin ko?"

Ang lalaking ito. Lagi na lang nakataas ang kilay pagdating sa akin. =______=+ KAINIS!

"Baka naman may dami--"


"SIRA KA BA?! Anong tingin mo sakin? Cross dresser?! ~_^+ Grabe ka. Pinapainit mo ulo ko."


"=____________=++ GRABE! SORRY HA! BAKA LANG NAMAN KASI EH! Nakakainis ka na eh! Pinapakasimahan na nga kita!! TAPOS SINUSUNGITAN MO PA AKO! GRABE LANG!"

"Wala akong sinabi na pakisamahan mo ako. Kaya wala akong pakialam kung naiinis ka sa akin ngayon. It's your choice. Not mine. Deal with it."

At nagulat ako. dahil nageenglish siya. Pero naiinis din ako sa ugali niya. Hindi kasi niya alam ang pinagdadaanan ko.

Ang hirap kaya ng mawalay sa mga taong mahal mo.....

Pero.. Hindi rin. Kasi halos isang taon na akong nasasaktan dahil sa issue na yun. 

At dahil na naman kay Patrick, napaiyak na naman ako.

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!