Hello guys, actually announcement at promotion talaga ang dapat gagawin ko. Yung book kasi medyo nirush ng Summit para makaabot sa Book fair kaya kulang sa promotions kaya ngayon ako humahabol. Kaya naisip ko na para mas cute tingnan, sa special chapter ko idadaan! :) Paalala, nagpropromote po ako kaya ganito ang laman nito. So... Sana mapersuade kayo :) Hihi! 

Special Chapter 

Chanel's POV

"COURTNEY! BABE! COURTS!" 

Sigaw ni Kean. Oh, bakit nandito na 'to? Umuwi agad siya galing office?

"Oh, bakit? Anong nangyari? Bakit sumisigaw ka?!"

"Courts!"

"Ano ba?!"

"Gutom na ako. -_-" 

Ano?! Yun lang yun?! Pasaway talaga 'to. Dumeretso ako sa kitchen para ituloy yung niluluto ko. Adobo. As usual. Favorite nila ni Sheantan. 

"Babe, yung mga bata?" 

"Pauwi na sila. Susunduin ni CK."

"Bakit si CK?!"

"Mmm.. Kasi libre siya? Selos ka na naman?"

"Asa! Hindi ah! Ang yabang mo talaga." Ako pa mayabang?! 

Bigla naman niyang ipinulupot yung kamay niya sa bewang ko. 

"Kean, ano ba. Nagluluto ako!" 

"Naglalambing lang eh. Ikaw talaga."

Tapos kiniss niya yung cheeks ko. Kean talaga, hindi pa rin nagbabago. Malambing pa din. 

So habang nagluluto ako, nakadikit siya na parang linta sa akin. Kahit na mahirap magluto ng ganito hinayaan ko na lang. Lagi kasing busy si Kean sa office noong mga nagdaang linggo kaya namiss ko din siya. 

Maya maya may bumusina na sa labas tapos biglang may kaguluhan sa pinto namin. Pumasok yung tatlong anak ko. Ay dalawa lang pala. Si CK kasi nakikitalon sa mga bata.

"Elly!! ^___^V"

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!