CHAPTER 18

Elle's POV

Bakit patay ang ilaw? Si Dylan? Oo nga nasaan na yun? Wala sa restau. Wala sa school. Wala rin sa--

"Dylan?! Andyan ka ba?! Dylan? Patrick?!?"

Mukhang wala nga. Ano ba yan. Bubuksan ko na sana ang ilaw ng biglang..

"Why do birds, suddenly appear? Everytime you are near. Just like me. They long to be. Close to you."

May biglang nagliwanag na..

Emergency light?!? -___-"

Kahit kailan talaga fail tong si Patrick.

Kumakanta siya. At nagigitara. Lakas ng trip. Anong meron?!

"Why do stars fall down from the sky? Every time you walk by. Just like me, they long to be close to you."


Lumapit siya sa akin. Tapos nagbend. May pinindot siya. At may emergency lights ulit. Sa table.

At sa table may nakaarrange na pagkain. Woah.

"On the day that you were born the angels got together. And decided to create a dream come true. So they sprinkled moonlight in your hairs and gold that sparks light in your eyes so blue."


Tapos may kinuha siya sa gilid.

Flower.

Oo walang S. Isang tangkay lang eh.

At.. Wow. Orchid ang bigy niya.

Oo. Kahit kailan talga. Orchid yun.. Na tanim ni Aling Diane. Yung kapitbahay namin. Hiningi kaya niya o dinekwat lang niya?

"That is why all the boys in town. Follow you all around. Just like me they long to be close to yoh. Just like me.. They long to be.. Close to youuuuu."


Binigay niya sa akin ang orchid.

At oo kahit fail tong event na ginagawa niya..

Ang ganda ng boses niya. At oo gwapo talaga siya! Batang to.

"Dylan. What's all this?"

"~~."

"Cant I state the obvious???"

"*nod nod*"

"Para saan?"

Tumingin lang siya sa malayo. Ito na naman ang 6 signs!

"Hmmm. Dinekwat mo ba to o Hiningi mo kay Aling Diane?"

"~~."

"Hmmm. Alam ko kasi uso pa rin ang candles sa ganito. Bakit emergency light?!"

"~~."

"Bakit naman close to you amg kinanta mo--"

"AISH! Wala ka na bang pupunahin?! Ano pa?! Ano pa ang nakikita mong mali?!"

"Hmmm.. So far wala na naman--"

"Grabe Elle. Salamat."

"Salamat saan?"

Talagang binigyan niya ako ng I can't believe you look!

"Salamat sa pagsira mo sa gabi ko. Ayan ang pagkain. Uuna na ako. Biglang sumama ang pakiramdam ko."

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!