*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 38 Elle's POV 


Lumabas si CK. Tumingin siya sa akin. Ngumiti. At naupo sa tabi ko.    

Alam kong alam niya na parehas naming alam kung ano ang napagusapan nila ni JM.    

Kaya walang nagsasalita.    

Nakaupo lang kami doon.    

Nagiisip.    

Nagpapakiramdaman.    

Kahit walang sasabihin at nagsasalita, alam namin ang iniisip namin.          

Hanggang sa..            


"CK. Please don't let me go."

Napatingin siya sa akin. Mas mabigat ang mata niya, kasing bigat ng pakiramdam ko na nararamdaman niya.        


Pero.. Ayoko na siyang mawala.        

Please naman. Noong una una pa.      


Nawala na si Gian.    


Nawala pa si Kean.    


Iniwan ko si Yohann.    


At pinagpalit ako ni Dylan.


Sa halos lahat ng yun, nandoon na si CK. At kahit hindi siya nangako na magstastay siya. Siya ang nandiyan. Hindi siya nangiwan.      

Ngayon pa ba? Ngayon pa ba siya mangiiwan?        

"Elle.."        

Hindi ko alam kung bakit pero nangingilid ang luha ko. Hindi kami pero ito ata yung masakit na break up. Oo masakit yung kay Gian noon, masakit makita si Dylan na may Denise, si Kean at Yohann ako ang nangiwan..        

Pero kay CK. Mawawalan ako ng bestfriend.. Mawawalan pa ako ng taong pwede mahalin. Ayoko. Ayokong mawala kasi si CK eh. :(      

Noong wala si Kean siya ang nandiyan. Siya ang nag-aalaga pag lasing ako.. Kapag malungkot kahit na magmukha siyang tanga gagawin niya mapatawa lang ako. Kapag masaya ako magpapaice cream yan sa ICL Koala. Kapag nagwawala ako yayakapin lang niya ako tapos sasabihing..        


"Everything will be alright. Matatapos din yan."        

Siya lang ang kayang magpa'tame' kay Elle Clemente. Pero ngayon mawawala siya? Iiwan niya ako?        

Ayoko. Nasasaktan ako. Naiiyak talaga ako. Ayokong mawala kasi sa akin si CK.        

Siya yung tao na gusto ko ishare lahat ng bagay. Joy. Sadness. Pain. Love. Lahat. Parang magiging kulang ako kung wala siya eh. Ayoko..      

*teardrop*        

Hindi ko na napigilan. Pumatak na yung luha ko. Ayoko ng ganito. Never pang nagkaroon ng ganitong aura sa pagitan namin ni CK. Wala pa.      

Tapos pinunasan niya ang luha ko. Gamit yung kamay niya. Napatingin ako sakanya. Nagsmile siya. Tuloy tuloy lang ang luha ko. Pinupunasan lang niya gamit ang thumb niya habang nakahawak ang kamay niya sa pisngi ko. Magkatitigan kami. Nakangiti pa din siya.        

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!