Chapter 52

Kean's POV

"Hoi! Bilisan mo naman! Ilang taon ka ba bago makapagbihis?"

"Teka lang naman!! Nagaayos pa eh!"

"Kahit T-Shirt lang kasi!"

"Pwede ba Kean?! Maghintay ka na lang diyan."

Bakit ba kasi ang tagal?! Kahit ano namang damit ayos lang eh. Pupunta kasi kami ngayon sa MOA. Mamimili ng kakailanganin para sa Batangas. Mamayang hapon kasi kami aalis, request ng babe ko. Para daw masarap bumyahe.

Naghintay pa ako doon ng 15 minutes. Halos makipagtitigan na ako sa pader. Konti na nga lang tulog na ako. =___=+ Dati naman hindi ako naghihintay ng ganito, dahil lang talaga sa babaeng ito nagbago ang lahat sa akin.

Maya maya, biglang may yumakap sa akin..

"Uyyy. Pagod ka na agad?"

"Hindi ah. Kelan ba ako napagod sayo?"

"KAINIS! :"> Pakilig ka!"

Tapos kinurot niya yung braso ko, aray. Hilig mangurot! Teka nga..

"Ano na naman yang design ng kuko mo?"

"Ha? Alin.."

"MAY IBANG KUKO KA PA BA?! Yan! Yang nasa kamay mo!"

Tapos dinilaan na lang ako.

"Cracked nails! ^___^V"

"Cracked? Hindi naman Courtney ah. Tragis. Wag mo nga akong lokohin!" tapos binatukan niya ako.

"Cracked nails yung tawag sa design! Kean! Gusto mo gawin ko sayo ito?"

"Lul. Yoko nga."

"Bakit ka ganyan?!"

Ano na naman ang ginawa ko?! Tapos nakikita kong malapit ng magtagpo ang dalawang kilay niya..

Psh! Mababadtrip na naman siya!

"Oo na! Sige na! Pero wag ngayon!"

Bigla niya akong niyakap!

"Yey! Best Boyfriend ever."


Napangiti naman ako doon. Kung ikaw kasi ang girlfriend, lahat talaga ng lalaki gagawin ang lahat.

"Oi, babe. Tara na? Mamimili pa tayo!"

"Oks Babe!"

Sumakay na kami sa sasakyan ko.

"Uy babe, seatbelt."

"Wag na! Hassle eh."

"Psh! Ilagay mo. Hindi tayo aalis kapag hindi mo nilalgay."

Hindi natin alam, baka may gagung driver diyan. Ayokong mawala itong si Courtney sa akin kaya kahit yang simpleng paglalagay ng seatbelt kailangan gawin niya.

"Uy Kean ko."

"Yes po Courtney ko?"

"Love mo ako?"

"Mas pa sa buhay ko."

Tapos kinilig siya magisa. Parang tanga talaga to. Pero mahal na mahal ko.

"Kean kooooo."

"Ano na naman poooo?"

"Padrive akoooo."

"Ayoko pang mamatay -___-"

Tapos nagpout siya. Naku Kean! Wag kang magpapadala diyan. Masyado mo sinspoil yang girlfriend mo!!

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!