Chapter 53

Chanel's POV

"Babe. Gising na."

-___=+ BV.

Gusto ko pa matulog.

"Umalis ka."

"E di umalis."

Yan. Tulog na ulit--

*HUUUUUUUUG*


"ARAY!!"

Napamulat ako. Si Kean pala.

Anong ginagawa niyan--Ay oo nga pala dito siya natulog! Kinulit kasi ako kagabi! Puyat tuloy ako.

"Kanina pa tawag ng tawag si Cassandra sa akin. Pupunta daw sila dito mamayang 1PM."

"Eh anong oras na ba? -__="

"8AM."

"8?!? EH BAKIT MO KO GINISING?! EH ANG AGA AGA PA!! BAKIT--"

"Para makita agad kita. Good Morning. Namiss kita eh. Sorry na?"

:"> Eyyy. Alam talaga ang kiliti ko! Sige na nga. World Peace!

"So.." sabi ni Kean.

"So?"

"Si Mama?"

"Nagtext kagabi, doon daw siya kina Ate Bree matutulog."

"Ano?!"

"Oo! Plano nilang dalawa ito! Tss! Pasaway talaga si Mama at Papa."

"Magbestfriend yung dalawa eh."

"Buti hindi sila nagkatuluyan ano?"

"Di pwede! Tutol ako! Paano na tayo?"

"Kaya nga.. Buti na lang hindi!"

Tumayo siya tapos hinigit ako. Aray! Hanggang ngayon dala dala pa din niya yung pagiging mabigat ng kamay niya.

"Kala ko ba gentleman ka ha Kean?!"

"Gentleman naman ako ah."

"Bakit mo ko hinila?"

"Gusto ko lang."

-___- NAKOW. Walang maabot ang usapang ito.

Tumayo na ako. Sabi niya uuwi siya sa kanila at magaayos ng gamit. Babalik daw siya mamayang 10.  Naligo na muna ako tapos nagluto.

Sobrang bilis ng oras 9:30 na agad. At nandito na ulit si Kean.

Pansin ko hindi kami naghihiwalay?

"Oy. Napansin kong di tayo naghihiwalay?"

"Ngayon mo lang napansin yan Courts?"

"Ehhhh.."

"Ehh.. Ano?!?"

"Baka magsawa ka sa akin."

"Shu--"

"HINDI AKO SHUNGA KASI!"

"HAHAH! Defensive! Oo na! Tsaka di ako magsasawa. Mas ayos nga na katabi pa kita eh. So.. Saan na yung pagkain? Gutom na ako."

Nagluto ako ng fried rice tsaka adobo. Nagorder din ako ng mojos and spaghetti.

"Bitay ko na ba bukas?"

"Bakit naman?"

"Andaming pagkain eh!"

"Ayokong nagugutom ka!"

"Pinapataba mo ako Courtney ano?!"

"Sa dami mong muscle.. Nasa lalamunan mo pa lang lahat ng yan tunaw na."

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!