[Epilogue] Goodbye 3W8L. :(

231K 6.9K 3.5K

Message muna. Grand Finale na eh. Una sa lahat salamat sa sumuporta mula Book 1 hanggang Book 2. Di niyo alam kung gaano ako kasaya at thankful sa inyo.  Lalo na yung mga hindi bumitaw kahit TRAGIC ENDING ang Book 1. Sobrang salamat. WALANG BOOK 3!

Pangalawa, sa mga nagtatanong ng next story. Meron naman po. Pero hindi ko ipopost agad. Pero sana kahit di ako magactive sa wattpad.. Wag kayong mawala. :)

Pangatlo, sobrang salamat sa lahat ng mga nagpunta sa MEET UP kahapon! GRABE! ANG DAMI NIYO! First time yun.. Siguro 100+ din lahat ng nagpunta. Yung ADVENTURE time sa MOA. Yung role play. Kakatuwa. Walang KJ lahat kinareer!Tapos.. Sorry kung sobrang stressed and haggard na ang mukha ko kasi ilang araw ng walang tulog yun. Super saya!  kakapagod pero masaya. Yan alam niyo na lahat yung ugali ko. 

Pangapat.. SOBRANG SALAMAT. Sa lahat lahat.  SA madaming votes. Sa mga FANS. sa mga comments. messages. Tapos yung pagpapaptrend.AT SA LAHAT LAHAT. Kaya ito na... Enjoy. Sana my natutunan kayo sa story na ito. At sana wag niyo tong makalimutan forever

____________________________________________

EPILOGUE


Ang buhay ay isang mahabang storya.



Hindi mo alam kung nasa kalhati ka na ba, o baka nasa simula ka pa lang talaga.


Minsan, akala mo, ayun na.



Pero, parte lang pala ito ng mahabang storya na tatahakin mo pa.



Akala ko dati, noong nawala si Kean, tapos na yung storya namin.



Wala ng idadagdag. Nagsara na ang mga libro. 


Sabi ko pa, wala namang happy ending ang buhay.



Na yun yung realidad.



Na lahat tayo pinapaasa lang ng fairytale.



Na hindi sa lahat ng pagkakataon mayroong happily ever after ang bawat storya ng buhay,



At oo, napatunayan ko naman yun.



Hindi naman kami nagkaroon ng happily ever after ni Gian, ni Dylan o ni CK.



Dumaan lang sila sa buhay ko, mga characters na nagbigay kulay sa bawat pahina ng naging libro ko.



Pero dahil kay Kean Patrick Tolentino Padua, natutunan ko na..




Tayo lang ang makakapagdikta ng ating kapalaran.




Oo, nandiyan ang tadhana. Pero nasa atin parin.. Kung ano ang magiging takbo ng buhay natin.

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!