*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More


Chapter 43

Cassandra's POV


Last week, Last week pang ganito si Kumareng Chanel.

Laging nakatulala. Hindi nagsasalita. Hindi kumakain. Nagkukulong sa kwarto. At palaging may hawak hawak na maliit na puting papel.

Nakitira na nga muna ako sa bahay niya kasi natatakot ako na biglang magpass out siya tapos walang tao dito. Natatakot ako na baka pagising ko isang araw..

Magbalik na naman si Elle Clemente.

Aaminin ko, andami ko ng kasalanan kay Chanel. Hindi din ako masyadong nakabawi dahil andaming nangyari sa buhay niya. Pero ngayong nag-iisa siya, gusto ko, akong bestfriend niya yung nasa tabi niya.

Simula tumira ako dito kumakain na naman siya, konti pero mas ayos na yun. Hindi nagsasalita.. Ngumingiti lang. Natatakot na nga ako. Kapag tinatanong ko kung bakit siya ganoon iiyak na lang siya at sasabihing..

"Ayoko na talaga Cass. Pagod na akong mainlove."

Dati, naiinggit ako kay Chanel, kasi hindi siya nawawalan ng minamahal, hindi siya nag-iisa.

Pero ngayon, mukhang binabawi ko na yun. Parang, andami na talagang sakit na pinagdaanan ng bestfriend ko. :(

Hindi ko naman matawagan si Calvin Klein Go dahil hindi ko alam ang number. Binato naman ni Chanel yung phone niya kasi ayaw na daw niya makausap ang ibang tao. Hindi siya lumalabas. Ayaw ring magpadalaw ng iba.

Hindi ko talaga siya maiwanan. Alam kong hirap na hirap na siya.

Hanggang sa..

May narinig akong iyak, pumasok agad ako sa kwarto niya. Nakita ko si Chanel, nakaupo sa tabi ng kama niya..

Nasa harapan niya ang mga picture ng lahat ng lalaking minahal niya..

Mula kay Gian, kay Kean, kay Dylan, at kay CK. Nakalatag doon.

Tapos si Chanel umiiyak sa tabi. Nilapitan ko siya at niyakap ko. Ramdam na ramdam kong sobrang nalulungkot na talaga siya. :(

"Chanel.."

"Cassandra. Hindi ko na kaya. Ayoko na."

"Anong ayaw mo na.."

"Cass. Ayoko ng magmahal. Pagod na pagod na ako. Bakit ganoon? Bakit kung kelan mahal ko na yung tao, iiwan na lang nila ako? O kaya naman paglalayuin kami ng tadhana? Bakit lagi na lang ganun?"

"Chanel.. Tama na."

"Hindi Cass. Ayoko na. Nakakapagod na. Sawang sawa na akong umiyak, masaktan, magpakatanga dahil sa lintek na pag-ibig na yan."

Hinayaan ko na lang siyang magsalita, ilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya.

"Pagod na ako! Wala ng nangyayari sa buhay ko kung hindi ang mainlove, masaktan, iiwanan. Tapos maiinlove ulit. Paulit ulit na lang! Nakakapagod na. Nakakasawa na."

"Ano bang problema sa akin? Ginagawa ko naman lahat pag nagmamahal ako ah? Bakit ganoon? Bakit lagi na lang ganito? Lagi na lang akong uuwing luhaan at nasasaktan."

"Lagi kong sasabihin, tama na. Kakalimutan ko na lahat. Magbabagong buhay na ako. Nagpaka Elle Clemente pa ako. Pero ano? Hanggang ngayon dala dala ko pa din yung sakit. Nasa akin pa din lahat."

"Cassandra, sawang sawa na ako. Pagod na pagod na ako. Ayoko ng magmahal. Ibibigay ko lahat, tapos sa huli, wala ring mangyayari. Ayoko na."

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!