Chapter 57

Chanel's POV

"Elle.."

"CK."

Magkatitigan lang kami. Namiss ko talaga siya. So bad. Gusto ko siya ihug kaso biglang may humila sa akin.

"Let's go. Ipagluluto mo pa ako ng Adobo di ba? Tara na!"

Hinila ako ni Kean. Di na ako nakapalag. Nagnod na lang si CK. Mukhang nagets niya na ayaw ni Kean na magkasama kaming dalawa.

Pero nakakainis naman! Hindi man lang kami hinayaang mag-usap! Dalawang taon kaming hindi nagkita. Bestfriend ko yun.

Si Calvin Klein Go yun. Savior ko yun eh. Lalo na noong nawala ka. 

Pagdating namin sa bahay, tahimik lang ako. Wala na ako sa mood.

"Courts! Luto na!!! Gutom na ako!!"

Sigaw lang siya ng sigaw pero parang walang pumapasok sa utak ko.

"CHANEL COURTNEY CLEMENTE CHUA!! Magluto ka na!! Gutom na gutom na ako dito!! Manhid ka ba?!

=___=+ Ano ba siya?! Siya ang manhid!!

"Kung gutom ka na e di magluto ka mag-isa mo!!"

Natahimik na lang siya. Haaay. 

"Sorry. Wala ako sa mood eh. Magorder ka na lang."

"Hindi, sige. Wag na lang. Pahinga ka na. Alis na ako."

Haaaay. Obvious na galit yun. :| Minsan mas okay pa na nagsisigawan kami. Pero.. Wala talaga akong pakialam na muna.. Naiisip ko si CK eh. 

Lumipas ang tatlong araw na hini kami nagkikibuan ni Kean. Siya nasa office. Ako tinutulungan ko si Cassandra sa kasal niya. Next wednesday na yun. Oo. Ang bilis ano? Excited yung dalawa eh. Ayaw nila ng long engagement. Kasal na daw agad! 

Nasa Holly's Coffee kami ngayon ni Cass ngayon ng..

"Bes. Ano ka ba? Hindi mo pa rin kinakausap si Kean?"

"Eh wala naman ako sasabihin."

"Bakit ka ganyan?"

"Ano? Wala akong ginagawa. Di ko lang talaga alam ang sasabihin sakanya."

Bigla siyang huminga ng malalim. Pag humihinga siya ng malalim kinakabahan ako eh! 

"Chanel Courtney Clemente Chua, umamin ka nga.."

"Umamin na??"

"Mahal mo ba si Calvin Klein Go?"



O____O 

Bigla akong nalungkot.

"Oh ano na?"

Hindi ako naguguluhan eh. Kasi alam ko ang sagot.

Naguguluhan ako sa fact na.. 

Dalawa.

"Oo naman. Mahal ko si CK."

Mukhang nagulat din si Cassandra. Eh anong magagawa ko? Mahal ko yung tao eh! 

"Nagkataon lang talaga na.. Kelangan naming maghiwalay dati. Pero kung hindi.. Malamang naman kami pa ngayon eh. Minsan lang kami mag-away, pag nagiging pasaway lang ako. Naiintindihan niya lahat. Nakikinig siya sa lahat. Super compatible kami."

"Eh ano? Nagsisisi ka ba? Na si Kean ang boyfriend mo ngayon?"

"Hindi! Sobrang mahal ko si Kean! Di ko kayang wala siya!"

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!