First of all you must read these announcements. They are important:

1. These are the dates of updates: 

Aug. 4 - Chapter 58

Aug. 11 - Chapter 59 

Aug. 18 - Chapter 60 (Ending)

 For the EPILOGUE I am planning on updating the EPILOGUE at the same date as we are having our FINAL MEET UP for THREE WORDS EIGHT LETTERS Book 1 and 2. 

AUGUST 25, 2012. SATURDAY. LAST MEET UP FOR THREE WORDS Book 1 and 2. EPILOGUE. (Yes. Doon ako maguupdate kapag magkakasama na ang lahat. How? I shall find a way.)

Chapter 58

DYLAN'S POV


Nagpunta kami nina Denise, Kurt at iba pa naming classmates sa bar. Hihilig nilang uminom eh. Wala ako sa mood uminom kaya nagexcuse ako na mag C.R. Pagkalabas ko may babaeng pagewang gewang kung lumalad.

Tiningnan ko kung may sumusunod sakanya.. Mukhang wala namang kasama. Sinundan ko kasi baka tumawid ng kalsada..

Pag naaksidente yun kasalanan ko pa! Mali.. Konsensiya ko pa. :| Wala akong kasalanan kung tatanga tanga siya. 

Sinundan ko lang siya.

Maya maya tumigil siya..

Paglingon niya sa akin.

O___O

Anak ng. Ang liit naman ng mundo oh.

"Elle?!"

Sa kalasingan niya mukhang hindi niya ako mamukhaan. Bakit lasing na naman to? (~~.)+

Saan ko dadalhin ngayon to? Wala naman na akong susi ng condo namin dati. Sina Kurt lasing. 

To: Kurt

Pre, hotel lang ako.



Hindi ko na inaasahan na magrereply yun. 

Maghohotel pa! Sakit talaga ng ulo tong si Elle!! Kumuha ako ng taxi at sinakay si Elle.

"Manong, sa pinakamalapit na hotel po." 

"Heritage po sir?"

"Oh sige." 

Tapos ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko rarape-in to!!! (~~.)+

"Yung.. Asawa ko ho kasi. HEHEHE. Naglasing eh. Alam niyo na.. Asawa ko to. Wala akong balak na masama na dalhin siya sa hotel kasi nga.. Asawa ko siya."


Hindi pa rin nagsasalita si manong pero mukhang hindi pa naniniwala sa akin. KUNG AYAW NIYA WAG! Nagmamalasakit lang ako sa babaeng ito. Sino bang kasama niya? Check ko kaya yung phone?

Noong kukunin ko na yung bag lalong sumama ang tingin ni Manong.

"To talagang ASAWA ko. Ichecheck ko lang yung phone. Kanina ko pa kinocontact eh. Hindi sumasagot. Bakit kaya?"



Kinuha ko yung phone. Letse. Lobatt! (~~.)++ 

Ano pa ba?! Ayoko na. Ihahatid ko siya sa hotel tapos aalis na ako. Pinapahirapan niya ako. 

Pinahirapan na nga ako noon, pati ba ngayon? :/

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!